Chapter 47

474 20 14
                                    



Thea's POV



Kasalukuyan akong nasa coffee shop nag-aantay kay lea. May usapan kasi kami na lumabas ngayon since matagal na din yung huling gala naming dalawa. Isa pa namiss din namin magbonding na kami lang.





Painom na sana ako ng aking hot chocolate ng biglang tumunog ang aking cellphone. Nakita ko yung name niya sa screen kaya agad ko itong binuksan at binasa


From: LOVE💕

'Hey babyyyy! How's ur date?'



Napangiti ako sa text niya. Nasa bago niyang work siya ngayon. Kinwento niya sakin na nagresign daw siya dun sa shop ng boss niyang epal nung nasa ospital ako nun. Tinanong ko naman siya kung bakit ang sabi niya lang gusto niya daw na bantayan ako nun at isa pa kailangan niya din daw iwasan muna yung boss niya na ikinataka ko naman. Kasi for all I know okay naman sila. Kahit di ko gusto yung boss niya okay lang naman sakin na dun pa rin siya magtrabaho. Wala naman akong problema dun. Isa pa may tiwala naman ako kay krystal.



Agad ko naman siyang nireplyan



To: LOVE💕

'Still waiting for her po 😑 Ikaw how's ur new part time? Bakit ka nagtetext? Diba work hours mo ngayon"



Wala pang ilang segundo ay nakatanggap ulit ako ng text mula sa kanya.


From: LOVE💕

'So far, okay naman siya. Parang same lang din gaya ng dati tsaka wala pa namang customer eh'




To: LOVE💕

'That's good to hear. Pasaway ka talaga'



From: LOVE💕

'Awow! Nagsalita ang hindi lol'


To: LOVE💕

'May sinabi ba akong hindi? Kaya nga mtb tau kasi same tayong mga batang pasaway 🤟🏼'


I sent her another message.

'Reminder lang...wag ka masyadong magpaganda baka may mainlab na naman sayo jan 🙄'


Pabiro kung text sa kanya. Baka kasi matulad dati na nagkagusto yung boss niya pati yung co worker niya sa kanya haha. Siya na talaga maganda at mahaba ang hair. Siya na!



I hear my phone chimes. I open the message from her



From: LOVE💕

'Ayiiii. Di naman ako nagpapaganda sa iba eh. Sayo lungs 😉😁😘'



Napangiti ako ng mga oras na yun. Magrereply na sana ako ng marinig ko ang boses ni lea na kararating lang "para kang baliw" bungad niya sakin



"What are you talking about?" I asked her as I turn off the screen of my phone




"Nakangiti ka kasi ng mag-isa hahaha" naupo na siya sa bakanteng upuan



When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now