Chapter 20

625 19 0
                                    



"HAHAHAHAHA"



Tawa ng tawa si thea. Kinukwento niya kasi sakin yung nangyari sa kanya nung first day of school.



Nakaapak lang naman daw kasi siya ng popo. Oh diba? Kumakain kami tapos ganyan yung topic namin haha. Nakakadiri nga eh pero dahil siya si thea, wala akong pakialam kahit gaano pa kadiri yung topic namin haha.



Ewan ko rin ba sa babaeng to kung bakit diyan napunta yung usapan namin.


Pasalamat talaga siya girl crush ko siya


Natatawa na lang din ako di dahil sa kwento niya kundi dahil sa kanya mismo, sa tawa niya to be exact haha. Her laugh is so contagious parang gusto mo na lang din sumabay sa kanya sa pagtawa.


Ang sarap pakinggan. It's like a music to my ears.



"Tapus di lang yun basta popo ah kasi mabasa basa pa eh hahahahah" hinampas ko siya sa kamay saka napailing ng ulo sa kanya habang tumatawa


"Hinaan mo nga boses mo..." palinga linga ako sa paligid baka kasi may nakarinig sa sinabi niya eh "nasa coffee shop tayo maraming taong kumakain" suway ko sa kanya



"Oops! Sorry" saka nilibot yung tingin sa paligid at nung mapadako yung tingin niya sa akin ay bahagya siyang napatawa na sinabayan ko naman



"Bakit ba kasi napunta tayo sa ganyang topic?" tanong ko na natatawa pa



"Ikaw eh... gusto mo malaman funniest moment ko"


Napataas naman ang isa kong kilay "funniest na yun para sayo?"



Napakibit balikat na lang siya habang ngiting ngiti pa



Nginitian ko lang din siya habang iniiling ang aking ulo



Nang mga oras na yun ay napatingin ako sa balikat ni thea at napansin ang taong papalapit sa table namin


Automatic na tumayo ako pagkakita ko sa kanya. Napansin ko naman na napaangat ng ulo si thea sakin na may pagtataka sa kanyang mukha


"What's wro—"


"Sir Mark" di ko na pinatapos si thea sa tanong niya. Pagkasabi ko nun ay agad siyang lumingon dun sa tao na tinawag ko na sir.


Nakita ko naman na napatingin si sir mark sa nakaupong si thea na nakatingin din sa kanya.



"What are you doing krystal?" tanong ni sir mark ng ibaling niya yung tingin niya sa akin. "Work hours ngayon you're supposed to be working"


Medyo napayuko ako sa kanya.


"Excuse me sir" dinig ko naman na sabi ni thea "I'm thea, krystal's friend"


"So?" tanging sabi ni sir mark sa kanya with expressionless na mukha


Napatingin naman sakin si thea at agad binalik ang atensyon kay sir mark



"So... I just wanted to say that... you shouldn't be mad at krystal since ako naman yung pumi-"



"I'm not mad" pagputol niya kay thea


Binaling ni sir mark ang tingin niya sakin "We have do's & don'ts here you know that" Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo saka sinabing "go back to your work"


Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.


Tumingin ako kay thea. She mouthed "I'm sorry" I mouthed back "It's fine" saka siya binigyan ng ngiti. Assuring her na okay lang at wag siya mag-alala then umalis na ako at bumalik na sa work.

When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now