Chapter 16

624 19 1
                                    



Tuesday morning.


I'm now here at school. Maaga pa naman kaya I decided na dumaan muna sa clinic.


"Good morning nurse cassie"

Bati ko dun sa school nurse namin. She's in her 30's na pero di halata kasi mukha siyang teenager lang na kagaya namin.


"Hey krys, good morning" bati niya din sa akin ng nakangiti


Maganda si nurse cassie. May katangkaran, maputi, medyo may pagka blonde yung buhok. Kung sa personality naman... mabait siya, funny, madaling pakisamahan. Kaya andami ding estudyanteng nagccrush dito especially mga male students.


Barkada ang turing niya samin ni ally since di naman masyado nalalayo yung edad niya samin.



"Wala pa po si ally?" I asked her


"Did you see her here?" Pilosopo niyang sagot


I just looked at her. Napatawa naman siya ng bahagya


"Well ang totoo niyan di ko alam" she said right after niya akong pilosopohin "kanina pa ako actually naghihintay sa kanya na dumating" dagdag niya pang sabi sa mahinang boses. Pero siyempre dahil kaming dalawa lang naman dito ay narinig yun ng mga tenga ko.



Napakunot naman ako ng noo dun sa sinabi niya.


Kanina pa niya hinihintay si ally? Hmmm


"You're waiting for ally?" nagtatakang tanong ko sa kanya


Medyo nagulat naman siya. She didn't expect siguro na maririnig ko yun. She responded me with a hum



"Why? I mean-"


"Nevermind that!" Agad niyang putol sa tatanungin ko sana sa kanya "wala ka pa bang pasok?" She changed the topic


Kaya nagkibit balikat na lang ako.



"I have 15mins pa before my first class"



Tumango lang siya sakin.


Chineck ko naman yung phone ko. I went to my inbox and saw thea's name first. I open our convo and yung last na text ko yung kagabi pa na di man lang niya nagawang replyan.



Ang tamad naman ng babaeng to parang magrereply lang eh pagdadamotan pa ako.



Nagtataka siguro kayo kung ano nangyari kagabi samin nina lea at george.



Well yun nga nakita nila ako since ako nga yung nagbigay ng bill nila.



Halata nga na di mapakali si lea ganun din si george.


Tinanong ko pa nga sila kung ano ginagawa nila sa coffee shop na silang dalawa lang at kung bakit di nila kasama si thea.



Todo explain naman yung boy george na supposedly kasama nila dapat si thea kaso gusto daw magpahinga nung isa kaya dineretso na lang niya sa bahay nila para ihatid.


When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now