Chapter 25

565 20 0
                                    



Ilang days na rin akong nakakatanggap ng mga sticky notes.


You are the sunshine of my life :)

               - tm, your babylove

You're always beautiful in my eyes *heart eyes*

                 - babylove

It's your smile, your face, your lips :)

                 - babylove

Gusto kita, alam mo ba? Gusto kita, okay lang ba?

                  - babylove

Iilan lang yan sa mga natatanggap ko at isa lang ang napansin ko...puro yun song lyrics. Tss ang effort ha? Haha

Hanep din ang trip ng isang to. Ginamit pa talaga mga lyrics ng kanta maexpress niya lang feelings niya.

Iniba niya rin codename niya. Kung dati tm ngayon babylove na. Mas lalo lang kumorny hehe.


Pero ngayon iba kasi imbis na sticky notes lang ang matanggap ko ay may kasama pa itong papel na bulaklak.


Alam ko papel lang yun pero inamoy ko pa rin and damn amoy bubblegum. Ang fruity ng amoy. Ang sweet.



Di man totoong bulaklak yan, at least magtatagal. Di malalanta gaya ng feelings ko tunay pero kahit kailan di mawawala. Smile ka naman :)

                      - babylove

Automatikong napangiti ako ng mabasa ko yung huli niyang salita. Yun kasi nakalagay sa sticky notes kasama ng papel na bulaklak. Himala nga at di song lyrics yung sinulat niya haha



Inamoy ko ulit yung bulaklak na papel.


Saktong ginagawa ko yun ng dumating si thea.


Pinuna naman niya yung ginagawa ko.



"Ano ginagawa mo? Ano yan?" Tanong niya


Pinakita ko sa kanya yung bulaklak na papel na bigay ni babylove


"Look oh! Ang ganda ng paggawa ng bulaklak gamit ang papel" puri ko


"Talaga? Nagandahan ka?" nakangiti niyang tanong sakin


"Oo naman! Tsaka ang bango pa" sabi ko saka pinaamoy sa kanya yung hawak ko



"Hmm...bango nga" napangiti ako nung sinabi niya yun saka inamoy amoy ulit yung bulaklak na papel.

"Sabi sayo eh"


"May hinala kaba kung sino nagbigay sayo niyan?"


Nagkibit ako ng balikat "wala eh. Wala akong maisip" tumango tango naman siya



"Kahit ni isa wala man lang?" Napaisip naman ako



Hmm... sino kaya si babylove eh sa wala talaga akong maisip kung sino pwedeng magbigay sakin ng mga ganito.



When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now