Chapter 17

603 23 1
                                    



Thea's POV



I woke up feeling tired and dizzy.



I slowly open my eyes. White ceiling and white surroundings welcomed me.


Nasaan ako?


Nakita ko naman na may nakatusok sa wrist ko.


Tapus may something sa mukha ko na bumubuga ng hangin para siyang mask na nakaconnect dun sa machine na nasa gilid ng kama ko.


Di ko to kwarto so malamang kung di ako nagkakamali nasa hospital ako.


I looked around and saw nanay elma sleeping on the couch.


"N-na-nay..." I tried to call her pero di niya ako narinig.



Mahimbing siguro tulog niya.



I sighed deeply.




Wala akong matandaan kung anong nangyari. Ang alam ko lang nasa bathroom ako para maligo sana tapus di ako makahinga....


Iniling ko na lang ang ulo ko kasi wala na ako maalala after non.



Napansin ko naman na gumalaw si nanay elma kaya napatingin ako sa direksyon niya.


Nang maimulat niya yung mga mata niya ay agad dumako yung paningin niya sa akin.


Napabalikwas naman siya ng tayo ng makita niya akong gising na.


"Anak, mabuti naman at gising kana" maluha luha niyang sabi "sandali lang babalik ako tatawagin ko lang ang doktor"


Tumango lang ako sa kanya kasi medyo nahihirapan pa ako magsalita.


Si nanay elma ang nagsilbing pangalawang nanay ko.


Siya kasi yung nag-alaga sakin simula nung bata pa lang ako.


Actually siya din nag-alaga noon kay mommy nung bata pa lang ito. Naging parte na siya ng family namin.


Ilang minuto ang lumipas at pumasok na nga ang isang nurse at isang doktor.


Chineck ng doktor yung mata ko gamit nung medical flashlight niya.


Chinecheck naman nung nurse yung device na nasa gilid ng kama ko habang may sinusulat sa isang clipboard na dala niya.



"so far okay naman siya ngayon" dinig kong sabi ng doktor kay nanay elma "normal na ulit yung heartbeat niya"



Pagkasabi nun ng doktor ay biglang nag-open ang pintoan. Iniluwa nito si mommy na may dalang dalawang paper bag.


Agad siya napatingin sa direksyon namin at napadako ang tingin sakin na nakahiga sa kama.


"Sweetie, you're awake!" nagtungo siya sa kama ko tsaka ako niyakap at hinalikan sa noo.



Halos mangiyak-iyak siya na nakatingin sakin habang nakangiti.


I weakly smiled at her.



Binaling naman niya yung atensyon niya sa doktor "how is she doc?"


"She's fine now. Okay na yung heartbeat niya even her breathing. Sa ngayon ay kelangan niya lang magpahinga ng sa ganun ay manumbalik yung lakas niya"


When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now