Chapter 29

493 16 0
                                    



"I think...I think I'm falling"


Napatingin ako kina jim at dian. Nakakunot na yung noo nila.



"What do you mean you're falling?" si dian "eh nakaupo ka naman diyan ah"



"Oo nga" sang-ayon din ni jim sabay tawa nila.



Ewan ko ba sa dalawang to. Pagdating sakin nagkakasundo.



Napabuntong ako ng hininga "what I'm trying to say is, I'm falling for someone" pag-amin ko "someone I shouldn't be falling with"



Nagkatinginan naman silang dalawa.



"Ahhh...di kita maintindihan"



"Ako rin" pagsang-ayon ulit ni jim "ano ba sinasabi mo?"




"Wait, don't tell me ngayon ka lang nafall kay sir mark after all those months of courting you" sambit ni dian "tsaka ano sinasabi mo na di ka pwede mafall kay sir mark? Girl, pwedeng pwede! Same kayong single, duh!"



"Hoy! Wala naman sinabi si krystal na si sir mark tinutukoy niya ah" sabi naman ni jim kay dian "ang sabi niya someone hindi mark" pagklaro niya




"Eh si sir mark lang naman may gusto diyan eh pwera sayo" sabi pa ni dian "sino pa ba tinutukoy niyan?"


Aba! Anong si mark lang may gusto sakin? Excuse me ha? Nainsulto naman ata yung beauty ko dun ng slight. Ano akala niya sakin di kagusto-gusto? Well, for her information, marami ng nagparamdam sakin sadyang si sir mark lang talaga pinansin ko at isa pa....


I sighed deeply.



Isa pa tong si thea. Naku pag nalaman lang talaga ni dian na pati babae nagkakagusto sakin for sure babawiin niya sinabi niya.



'Yabang ah' si oself


Tse! Manahimik ka diyan.



"Aba malay ko diyan" nagtalo pa talaga sila "teka baka ako yan ha?"



Nakatikim siya ng batuk galing kay dian.



"Aray ko naman" reklamo niya "alam mo ikaw kanina kapa nananakit eh" sabi niya habang hawak ang batok niya




"Ang assuming mo kasi. Ikaw na nga nagsabi diba? Someone! Kung ikaw yun edi sana binanggit niya name mo" sabay irap kay jim



"Exactly my point! Someone! Kung si sir mark yun edi sana binanggit yung name niya!" Umirap din si jim sa kanya




"Whatever!" Pagtataray niya kay jim "Eh kung di si sir mark...sino ba kasi yang someone na yan?" tanong ni dian sakin.





Akala ko pa naman di na nila ako papansinin. Pag nagtatalo kasi tong dalawang to nagiging invisible ako bigla. Masyado silang focus sa bangayan nila na ineenjoy ko naman haha




Ang cute kasi nila magtalo. Daig pa ang totoong magjowa hihihi




"Ano girl? Sasagutin mo ba kami o sasagutin mo kami?"



"Bukas pa siguro sasagot yan" pabirong sabi ni jim



I rolled my eyes to both of them




"Basta may sasabihin ako and don't...don't judge me, okay?" Napansin ko naman ang pag connect ng mga kilay nila



"Okay..."



When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now