Chapter 32

519 18 0
                                    



Thea's POV



I'm happy.



Guess what?



Binigyan kasi ako ni krystal ng chocolates ayieee




"That's from benjamin" sabi niya na agad naman nagpabura sa ngiti ko "he told me na ibigay ko daw yan sayo"



I'm happy not.



"Wow. Ang sweet naman ng kapatid mo" akala ko pa naman galing sa kanya di pala hmp.




I saw how she rolled her eyes when I said that.





"Mas sweet pa ako dun" She mumbled



Di ko naman narinig yun kaya pinaulit ko sa kanya





"May sinasabi ka ba?"




She looked at me innocently "may narinig ka ba?"




Problema nito? Bakit ang sungit ata niya ngayon? Ah alam ko na baka meron.





"Hi mga bakla!" Masayang bati samin ni ally





Pareho kaming napatitig ni krystal sa kanya.



"Sinong bakla?" takang tanong ni krystal



"Kayo" walang paki niyang sagot



Nakatingin pa rin kami sa kanya. Napansin niya siguro na di kami naimik kaya nagsalita ulit siya "ano ba naman kayo...yan ang uso ngayong tawagan ng magffriendship" paliwanag pa niya habang tatawa tawa pa



Sinamaan ko lang siya ng tingin.



"Alam niyo kayong dalawa ang aga-aga ganyan mga mukha niyo" reklamo niya "anyare sa inyo?"




"Wala. Alis na ko" walang ganang sabi ni krystal




"Oh teka san ka pupunta? Kakarating ko lang eh" pagmamaktol ni ally




Pero di siya sinagot ni krystal instead nag-wave lang ito ng kamay habang naglalakad palayo samin.




"Problema non?" tanong ko kay ally




"Aba malay ko sayo bakla. Kayo magkasama kanina ah" mataray ko siyang tiningnan. Kinibit niya lang yung balikat niya





"So, this is the day" excited niyang sabi. Napakunot naman ang aking noo "no, don't tell me you forgot?" di makapaniwalang sabi ni ally




Ano naman yung sinasabi niya? Ano yung nakalimutan ko?





"Ngayon ka aamin" she reminded me



Medyo napalaki yung mata ko kasi naman nakalimutan ko nga ang tungkol dun. Wala kasi akong ibang inisip mula nung weekend kundi yung time na nakasama ko si krystal especially yung mga kapatid niya.



Ang saya ng araw na yun.



Palagi din nasa isip ko ang sasabihin sana sakin ni krystal nung araw na yun. Kaso di ko na siya natanong kung ano ulit yun kasi ang sungit niya ngayon. Parang bad timing kaya next time ko na lang siya tatanungin.




"Ngayon na ba yun?" She nodded her head. Oh sh*t. Bigla akong ninerbyos. May usapan kasi kami ni ally na ngayon ko sasabihin kay krystal ang lahat.




When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now