Chapter 31

516 18 2
                                    





"Aaaahh" sigaw ni gwen habang hinahabol ni thea



Andito kami ngayon sa last destination namin. Sa park.



Sumama na din si thea dahil wala naman daw siyang gagawin at maaga pa para umuwi sa kanila.



Pinilit din siya ng mga kapatid ko na sumama lalo na si benjamin. Crush niya talaga si thea ah.




Kasalukuyan silang naglalaro kasama si thea habang ako naman nandito sa isang swing pinapanood sila.




"Ate!" Patakbong tawag sakin ni sam habang papalapit sa direksyon ko. Nakasunod naman si benjamin sa kanya habang hila hila naman ni gwen si thea "ate, ate let's buy some ice cream, please" hingal na sabi ni sam





Kinuha ko yung wallet ko then naglabas ng pera at inabot yun kay benjamin.




"Buy your sisters some ice cream" utos ko sa kanya




"How about you ate thea? Do you want some ice cream?" Tanong ni benjamin kay thea na siya namang ikinabigla ko ng slight




Grabe ha? Si thea pa talaga una niyang tinanong at di ako na ate niya. Tsk



Sasagot pa lang sana si thea ng magsalita ako "bilhan mo din kami" sabi ko



"Okay. What flavor?" He asked me



"Chocolate"


"Eh ikaw ate thea?" Napatingin ako kay thea "Same with your ate" sagot niya kay benjamin



"Okay" pagkasabi nun ay kumaripas na silang tatlo sa pagtakbo




"Be careful!" paalala ko pa. Baka madapa eh masugatan pa.




Habang tinatanaw sila ay umupo naman si thea sa kabilang swing



Napatingin ako sa kanya. Mukhang napagod ata siya sa paglalaro nila ah.




"Sabi ko naman sayo di ka na dapat nakipaglaro sa kanila" sabi ko "tuloy napagod ka pa" dagdag ko pa




"Ano ka ba okay lang" nakangiti niyang sagot "isa pa nag-enjoy naman ako eh"



Napatawa ako ng slight na siya naman ikinakunot ng noo niya "what?" she asked



I shook my head "wala..."



"Anong wala? Tumatawa ka. Why?" she asked again



Napatawa ulit ako "para ka kasing bata"



"Excuse me?" Parang nainsulto niyang sabi "di na ako bata no? Ayoko din naman tanggihan yung mga kapatid mo at isa pa, I don't have any siblings, remember?"



Oo nga pala only child tong batang to.



"Para ba akong bata sa paningin mo?" Seryoso siyang nakatingin sakin


"Pano pag sinabi kong oo?"



"Nakakainsulto" tipid niyang sagot



When the heart skips a beatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon