Chapter 49

559 20 2
                                    




Krystal has been sleeping for almost 48 hours now.


Andami niyang sugat at galos sa mukha. Meron din siyang benda sa ulo. Despite of all the bruises and wounds she got from the accident, she's still look pretty amazing.


I held her hand as I caressed it gently all the way up to her arms and down, back and forth.



"Siguro ganito din naramdaman mo nung nasa ospital ako noon...takot, di mapakali, nalulungkot. Alam mo bang pinagpray kita kay Papa Jesus na sana pagalingin ka niya. Sabi ko, parang di ko ata kakayanin pag nawala siya sakin Lord kaya please lang po pagalingin niyo siya kasi kailangan ko po siya" kwento ko sa walang malay na si krystal "Kailangan kita love kaya sana lumaban ka, hmm"



Nung mga oras na yun ay naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng mga daliri ni krystal sa palad ko.



Napalaki naman ako ng aking mga mata saka binaling yung atensyon ko sa kamay niya. Di naman ako nabigo at gumalaw ito ulit. Nilipat ko ang mga paningin ko sa kanya at dun ko nakita ang dahan dahan na pagmulat niya ng kanyang mga mata.



Napangiti ako bigla sa aking nakita "love!" Halos mapatalon ako sa tuwa. Sa wakas gising na si krystal. Gising na ang mahal ko.




Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi. I don't know what I'm feeling right now. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.



"He heard my prayers" sabi ko sa kanya habang naluluha





"He answered my prayers, love"




——


I called tito and tita right away.


Nandito na sila ngayon sa ospital. Kasalukuyan silang kinakausap ng doktor na siya namang tinawag ko after magising ni krystal kanina.



"Gaya nga ng sinabi ko dati ay bibihira lang yung mga pasyenteng nakakarecover sa ganitong klaseng sitwasyon kaya natutuwa akong makita na nagising na yung pasyente. However..."



Ayan na naman tayo sa mga ganyan eh. Kung hindi but, however. Hayss




"...let's not forget that there's still a possibility na pwede siyang malagay sa alanganin"





"What do you mean doc? Gising na yung anak ko. Anong sinasabi niyo?" si tito




"Yes, nagising nga siya but that doesn't mean ay okay na siya like totally. She's still have to recover from her injuries and there are some possible things that might happen to her along the process. Sinasabi ko lang to sa inyo for you to be ready just in case. But don't worry we will monitor her condition closely"




Di ko maproseso sa utak ko yung mga sinabi ng doktor. Possible things? Like what?



"Is she gonna die?" Wala sa sarili kong tanong sa doktor na siya namang ikinatingin nila sa direksyon ko.



Agad akong nilapitan ni tita "oh no, sweetie. Don't think about it that way. What the doctor said, it's only possible things. That's not guaranteed" she's right! It's not guaranteed pero kahit na. The possibility itself kills me.




When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now