Chapter 23

544 18 2
                                    



2 days na ang nakakalipas simula nung malaman ko ang about sa pagtataksil sakin ng magaling kong boyfriend at bestfriend.


Andito ako ngayon sa hallway nasa tabi ko naman si lea na nakikiusap na mag-usap daw kami. Gusto niya akong makausap.

"Wala tayong dapat pag-usapan" malamig kong sabi.

Ano pa ba ang pag-uusapan namin eh sapat na yung nakita ko. Ano? Gusto niyang magpaliwanag? Wag na! Useless lang din kung gagawin niya yun.

"Please... just... let me talk to you"


I rolled my eyes at her then heaved a sigh.



"1 minute" sabi ko
"5 minutes" saad naman niya
"1 minute"
"Okay, 4 minutes"
"1 minute" pagmamatigas ko eh sa gusto ko isang minuto lang eh. Pasalamat nga siya pinayagan ko siyang makipag-usap sakin kahit isang minuto lang.

Ayoko talagang makipag-usap sa kanya. Nasasaktan ako kasi sa dami ng taong pwedeng manloko sakin yung bestfriend ko pa.


Wala akong pakialam sa boyfriend ko na ex ko na ngayon kung niloko man niya ako. Expected ko naman na yun eh. I mean he's really a playboy naman kahit noon pa lang and di naman talaga ako nasaktan na nagawa niya yun sakin mas nasaktan pa ako sa ginawa ni lea.

Bestfriend ko siya eh and bestfriend should have each others back dapat not stabbing each others back by cheating with the boyfriend.


"3 minutes then"
"1 minute or no talk"


Napabuntong siya ng hininga.


"Fine. One minute" pagsuko niya "look tey, hindi ko sinasadya! Yung samin ni george? Believe me, I tried na layuan siya. Sinubukan ko siyang iwasan pero wala eh. Mahal ko siya" nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun.

So mahal niya si george.


"Kelan pa?" I asked her



Parang di naman niya nagets kung ano tinutukoy ko "kelan mo pa siya mahal?"


She just lower her head.


"35 seconds left" napaangat naman siya agad ng ulo



"Bago mo pa siya nakilala may something na sa aming dalawa" pag-amin niya



Kumunot naman yung noo ko. Before ko pa si george nakilala? Eh bakit di niya sakin sinabi? Kung alam ko di na sana ako nakipagrelasyon sa gagong yun. Di ko na sana siya inentertain. Di ko na sana siya ginamit para magsilbing experiment sa sexuality ko. Edi sana walang panloloko na nangyayari sa aming tatlo.


"Bakit di mo sakin sinabi?" Walang emosyong tanong ko sa kanya


"Para saan pa? Masyado akong nasaktan nun lalo na nung nalaman ko na liligawan ka niya. Ang buong akala ko pareho kami ng nararamdaman pero ang gago nakilala ka lang kinalimutan na ko. Wala akong nagawa. Alam ko din naman na di mo kasalanan kung bakit ikaw ang pinili niya"



"Pero pinili ka din niya tignan mo pinagsabay tayong dalawa" diin kong sabi sa kanya


Nag-iwas siya ng tingin sakin. "Ayokong masaktan ka pero mahal ko siya kaya naman nung inamin niya na mahal niya din ako pumayag ako sa kagustuhan niya na itago ang relasyon namin..."


When the heart skips a beatWhere stories live. Discover now