Chapter 3

494 19 2
                                    

Pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay nilock ko na ito kaagad na para bang may naghahabol sa aking aso. I groaned when I heard his laugh on the other side of the room. That jerk really did ruined my day. Kanina pa siya nang-iinis at hindi na ako natutuwa sa kaniya. At saka anong sinabi niya kanina? Sisirain niya ang stay ko dito? Baliw ba siya? As if namang hahayaan ko siya.

Napaisip ako bigla, kung hindi pa nga nagsisimula ang tukmol na iyon ay inis na inis na ako sa kaniya paano pa kaya kapag nagsimula na siya? I think I'll be needing to runaway again, but then I don't think I will still be able to do that. Ang sabi sa akin ni Zack ay ito lang daw ang paupahan dito sa Talahib. Like kung sinuswerte ka nga naman, diba? 

Napalayo ako bigla sa pintuan nang may kumatok. Sino na naman to? Umagang-umaga ay nambubulabog!

"Si Siling ito ineng." Nakahinga ako nang maluwag nang mapag-alamang si Manang Siling lang pala ang kumakatok. Akala ko ay ang asungot na naman sa kabilang kwarto.

I immediately opened the door for her.

"Tumawag sa akin iyong kaibigan mo, kailangan mo raw pumunta ng palengke para bumili ng mga supplies mo. Kaso nga lang eh walang makakasama sayo dahil may pupuntahan pa ako sa resort." She said not even smiling. Hindi ata marunong ngumiti itong si Manang Siling. Palaging poker face.

Nakalimutan ko nga pala na wala pa akong mga supplies. Paano ako magsusurvive nito? Sinabi ko naman kasi kay Zac na mamimili na ako sa Ithaca pero pinigilan ako ng abnormal na iyon.

"Pwede ko naman po kayong hintayin." Mahinang sabi ko. I don't want to do groceries with a stranger. Mas lalong nalukot ang mukha ni Manang kung kaya't napanguso ako.

"Naku, ineng eh bukas pa ako makakabalik. Ano nalang ang kakainin mo ngayon?"

Tama! Ano nga ba naman ang kakainin ko ngayon kung hihintayin ko pa siya? Pasalamat na nga lang ako at pinakain ako ng lalaki sa kabila ng breakfast eh. Ang tanga mo talaga, Ariella. Kahit naman may supplies ako na nandito, hindi rin naman ako marunong magluto. Sa sobrang galak ko sa pagtakas eh nakalimutan ko na hindi nga pala ako marunong sa mga gawaing bahay. The basics in survival of the fetish. Wala akong alam doon. Parang gusto ko na lang ding ngumawa sa inis.

Who will cook for me? How will I be able to eat?

Who will wash the dishes?

Who will wash my clothes?

Who will clean the house?

Ngayon lang nagsink-in ang lahat ng iyan sa utak ko and suddenly I wanna go home and be with my mom instead. There's no way I'll survive with this katangahan of mine. Isang araw pa nga lang ay give up na give up na ako, paano pa kaya sa mga susunod na araw?

"Ganito nalang ijah, pupunta itong si Storm sa palengke mamamaya. Yung tenant sa kabilang kwarto. Nakausap ko na siya at pumayag naman siyang isama ka sa palengke. Mas mabuti na iyon at may makakatulong sayo sa pamimili at pagdala ng mga bibilhin mo."

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni Manang dahil sa bilis ng kaniyang pagsasalita. Ang tanging naintindihan ko lang ay ipapasama niya ako kay Storm. Sinong Storm naman yun?

"Eh? Sinong storm naman po iyon?" Nangungunot ang noo ko. May balak pa ata akong ipasama kung kanino ni Manang Siling eh.

"Si Storm, iyong kasama mong natulog kagabi? Eh diba doon ka nakatulog sa kwarto niya kagabi?"

Kaagad nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Like what the hell? Umiling-iling ako. There's no way I'll go with that asshole! Bastos iyon at walang mudo! Hindi porket pinakain niya ako ay basta - basta nalang akong sasama sa kaniya. Wala akong tiwala don.

Stolen ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon