Chapter 17

205 11 0
                                    

"Oh, anong ginagawa mo na naman diyan?"

Kim asked me. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Uuwi din iyon. Wag ka ng mag-alala."

It's been what? It's been 2 weeks since Bagyo left me and up until now, wala parin siyang paramdam. Ni hindi siya tumatawag sa mga kaibigan niya para kumustahin ako. Araw-araw akong naghihintay na parang tanga sa kaniya.  Pinanghawakan ko kasi iyong sinabi niyang one week lang siyang mawawala. Akala ko darating na siya after a week but 2 weeks had passed and he was still not home. Nawawalan na tuloy ako ng pag-asa.

"Bakit kasi hindi mo nalang siya tawagan dahil baka may nangyaring masama sa kaniya?"

Suggestion ko pa but Kim just shrugged.

"Kapag tinawagan ko siya, uuwi iyon dito ng walang pag-aalinlangan. May problema sa kanila. Kailangan muna niyang tapusin iyon bago kaniya balikan dito."

Napasimangot naman ako. Palaging ganiyan ang mga sagot niya. Wala namang bago.

"Baka nga nakalimutan ako nun ee."

"He will never do that. Just wait for him, Ariella. He'll be back to you."

Kim stood up before leaving me. Ako naman ay binalik ang mga mata sa labas. Nakaupo na naman ako sa may bintana at pinapanood ang mga tao sa baba.

The first week of Bagyo being away is hell. Ni hindi ako makatulog kakaisip sa kaniya. Pasalamat nalang ako dahil nirecord ni Alikabok ang sarili niya habang kinakanta ang Pag-ibig by Sponge Cola. The song made me sane all night. Nakakatulog ako ng maaga sa pakikinig sa boses lang ni Alikabok. Napahinga ako nang malalim nang makitang malapit na ang lunch. I'm sure, nakapagluto na sina Kim. Tumayo ako kung saan ako naka-upo at pumasok sa kabilang kwarto para tingnan kung kakain na ba kami. Kinain ko din iyong sinabi ko na hindi ko kakausapin ang mga kaibigan ni Bagyo. At the end of the day, sila din ang mga kasama ko kaya sila lang ang nakaka-usap ko. Mababait naman sila pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din memoryado ang mga pangalan nila. Si Kim lang talaga ang tanging alam ko ang pangalan. Kung anu-anong pangalan ang natatawag ko sa kanila. They don't mind though. I'm sure naiintindihan naman nila.
Nakita kong naka-upo na silang anim sa dining table. Tumabi ako sa tabi nila. Nasasanay na akong kasama sila. Pakiramdam ko kasi habang nandito sila ay nandito din si Bagyo. Alam ko na kung bakit sila magkakaibigan dahil may mga common denominator sila.

"May bibilhin ka ba mamaya sa bayan? I can take you there. I will not be here mamaya, may pinapagawa si Supremo and so Vic will be the one to take you to Nieves."

Kim said out of nowhere.

"Gusto kong matulog ngayong araw. Mag-aabsent muna ako sa resort."

Tumango lang siya. Ayoko muna magtrabaho. Mamimiss ko lang si Bagyo. Lahat ng sulok ng resort ay siya ang nakikita ko.

I started digging in when suddenly I heard weird noises coming from our gate. Alam kong sa gate galing iyon dahil iyon ang tunog ng gate kapag may pumapalo nito. It happened when Thunder attacked here like an animal before. Nagkatinginan ang mga lalaking kasama ko. Nagtayuan sila except kay Vic na naka-upo lang.

"Dito ka lang Ariella. Well just check that out."

Hinayaan ko silang umalis sa hapag papuntang baba para tingnan kung sinong nang-gugulo na naman. Nabitawan ko bigla ang kutsarang hawak ko nang marinig na parang lumakas ang lagabog ng gate at parang naririnig ko ang pangalan ko. Tumayo ako para sana tingnan kung sino ba ang pupunta dito ng ganito kaaga at para lang mambulabog.

Pinigilan ako ni Vic.

"Just eat, Ariella."

"Narinig ko ang pangalan ko. I'm sure ako ang hinahanap ng kung sinumang nasa labas."

Stolen ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon