Chapter 11

265 17 3
                                    

Maraming bumabati kay Dust habang magkasama kami at naka-upo sa pinakasulok ng Gazebo party. I've heard that this is actually the biggest Gazebo here in Eudaimonia. Mas malaki pa ito kaysa sa Gazebo sa Ithaca.

"Ang galing mo, dude! Your girlfriend must be so proud of you." A guy with a long hair said while looking at me.

Nang makaalis ang lalaki ay kaagad kong kinurot ang tagiliran ng kasama ko. Inirapan ko siya nang umaray siya habang nakangiti. Naka-akbay siya sa akin na para bang boyfriend ko nga talaga siya. Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko at uminum sa baso ng juice na nasa harapan ko. Hindi niya ako pina-order ng kahit na anong inumin aside from this pineapple juice. Hindi talaga ako mahilig sa pine apple pero wala naman akong magagawa dahil nabili na nga ito ni Alikabok. Alangan namang uminom ako ng alak? Over my dead body! I'm still a minor.

"Wag mo na akong hihiyain ulit sa maraming tao! Kapag ginawa mo ulit iyon, hindi na ako sasama sa iyo." I looked at him sternly.

"Okey fine. Loosen up a bit, Ariella. I was just making you experience your firsts. Ayaw mo nun? May experience ka na ng first serenade."

Natahimik ako bigla sa sinabi niya.

'First serenade'

Totoong kinilig ako kanina. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung sa harap ng maraming tao ka haharanahin ng kasing guapo niya? Lahat nga ng mga kababaehan dito ay naiinggit sa akin na kesyo ang pogi daw ng boyfriend ko. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Mas lamang ang hiya dahil hindi ko naman siya boyfriend.

"Makakalimutan din naman nilang lahat ang nangyari ngayon next week. Wag ka ng mag-alala."

He tried consoling me but I ignored him. He pouted his lips. Nag-iwas ako ng tingin. Ang kulit niya! Makakalimutan nga nila pero paano naman ako? Araw-araw kong maaalaala ang nangyari dahil hindi naman ako sanay na basta nalang kinakalimutan ang isang bagay?

"How's your experience of serenade?"

Kumalabog ang dibdib ko at parang lalabas ata ang utak ko nang may biglang imahe ang sumulpot sa utak ko dala ng sinabi niya. It was me when I was 6 with a boy holding my hand as he sang on my ear. I was all smiles and he was frowning as he sang a song in front of my right ear.

"Minsan pa ulan bumuhos ka
Wag ng tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasabog
Pagibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka"

I was not familiar with the song. Napa-iling ako at tinanggal ang imahe sa utak ko. That was impossible!

Nag-iilusyon lang ba ako? Sino ang batang kasama ko?

I looked at Alikabok with a creased on my forehead. I am sure, the boy in my dream is not him. Halatang hindi marunong kumanta ang nasa panaginip ko at imagination ko. I always picture him as someone who can not sing and iyon lang ang kaya niyang kantahin.

"Okey ka lang? Natahimik ka?"

I gulped. What is happening to me?

"I'm fine. Gusto ko ng umuwi, Alikabok."

Tumayo na kaming dalawa at handa na sanang maglakad pauwi nang mabangga ako sa isang matigas na bagay. It was not a thing. He's a he. I looked up and was about to shout at the one who bumped me, but my supposedly hisses stopped midair.

In front of us is mad, a very very mad Storm.

Anong ginagawa niya dito?

Nakakunot ang noo niya at pinaniningkitan ako ng mga mata.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now