Chapter 20

202 11 2
                                    

Nakasimangot lang ako habang nakatitig sa akin si Bagyo. Iiwanan na naman kasi niya ako. Kanina iniwanan niya ako para makipag-usap sa coach niya. Tapos nagpractice na naman siya kanina. Tapos ngayon naman ay may kukunin na naman siya sa mga kafrat niya.

"Wag ng sumimangot ang baby misis ko. Babalik naman ako kaagad. Give me a minute and I'll be here again with you."

Inirapan ko siya. Tss.. Iyong minute na iyon ay magiging hour na naman. Nag-iwas ako ng tingin.

Sus! Bahala siya! Kung iisipin niya na napaka-clingy ko naman masyado ay bahala na siya. Ano ba naman ang paki ko sa iisipin niya ee wala nga siyang paki sa iisipin ko.

Nabigla ako nang sinapo niya ang mukha ko at pinaghahalikan ang boung mukha ko. I've tried making my face straight as possible kaya lang ay hindi ko napigilan ang mapangiti sa ginawa niya.

Tae talaga tong taong to! Napapangiti niya ako kahit na sukdulan na ang inis ko sa kaniya.

Akma na sana siyang aalis nang hawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin nang may pagtataka.

"Bakit?"

"Babalik ka ha?"

Napangisi siya sa tanong ko.

Hindi ko kasi alam pero kinakabahan ako sa pag-alis niya. Every time naman na iiwanan niya ako ay kinakabahan ako. Maybe my instincts tell me so. I have never been scared all my life not until he happened.

Hinawakan niya ang mukha ko bago dinikit ang labi niya sa ilong ko.

I sighed in relief.

Kanina tinanong ko siya kung bakit sa ilong niya ako hinahalikan palagi at ang sagot niya ay gusto niya lang daw. Ang layo lang ng sagot niya sa tanong ko.

"Hindi naman importante kung saan mo gustong halikan ang babaeng mahal mo. So I'm kissing your nose to tell you that I love your nose even though it's not that tantalizing."

"Ngitian mo na baby misis ang mister mo."

Napilitan akong ngitian siya. Napasimangot naman siya and I have to refrain myself from smiling more cause he's so cute - looking frustrated.

"Mukha namang napilitan ka lang niyan eh."

Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng tawa ko sa labi ko.

"Oo na! Umalis ka na nga."

"Ganiyan! Dapat nakangiti ka lang lagi lagi baby misis ko."

He kissed my nose once again before leaving me.

I sighed before sitting on one of the sofa in the lobby. I'll just wait for him here.

I took out my phone and was about to take a picture of me when suddenly someone pulled me up. Buti nalang at hindi na nahulog ang cellphone ko.

"Kulog?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"It's time for you to wake up, Ariella. I'm sure after this, you'll thank me."

At hindi na ako nakapagreact dahil hinila na niya ako kung saan.

Kanina pa niya ako hinihila. Nagpupumiglas naman ako pero masyado siyang malakas kaya no use ang effort ko. At the end, nagpa-ubaya nalang ako dahil alam kong nagagalit siya sa akin ngayon. Kailangan ko lang pahupain ang galit niya. Hindi naman siguro niya ako magagawang saktan, diba? Kilala ko siya at alam kong hindi niya ako magagawang saktan.

Nang tumigil siya sa paglalakad ay nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung saan niya ako dinala.

Nanginig ang boung kalamnan ko sa nakikita ko sa paligid.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now