Chapter 9

345 15 2
                                    

Todo pagmamadali ang aking ginawang pag-aayos sa aking sarili dahil natatakot ako na baka mainip bigla si Alikabok sa paghihintay sa akin at bigla akong iwanan.
Paano ba naman eh hindi pa ako nakakapaghilamos at toothbrush ay nandito na siya sa bahay. Balak ko pa sanang sa kwarto nalang ni Bagyo siya patuluyin dahil hindi malinis sa kwarto ko pero bigla kong naalala na magka-away nga pala kaming dalawa ni Bagyo. Kaya no choice ako kundi patuluyin siya sa napakalinis kong kwarto. Note the sarcasm para masaya.

Hiyang-hiya tuloy ako.

"Take your time, Ariella. I'm not rushing you."

Narinig kong natatawang sabi niya from our salas. Mas lalo akong nahiya dahil pinagtatawanan niya na ako.
Nakasimangot akong lumabas sa kwarto ko. Tumayo siya nang makita niya ako. May bulto ng ngiti sa labi niya.

"I'm not rushing but you're the one rushing yourself. Hihintayin naman kita kahit gaano ka pa katagal, Ariella. After all, you're worth all the wait."

Am I the only one who have sensed something about what he just said. And why do I feel like my name sounded different every time he was the one saying it? Iba lang ang dating sa akin ng pangalan ko kapag siya ang bumabanggit. Parang pwede na akong matulog na ang tanging music lang ay ang kaniyang pagbanggit sa pangalan ko. Hindi lang pala mukhang mayaman at amoy mayaman itong si Alikabok dahil mayaman talaga siya. Mantakin mo ba namang sunduin ako ng nakadekotse. Ang boung akala ko ay magjejeep din kami kagaya nung ginawa namin ni Bagyo pero hindi naman pala dahil may kotse siya.

Malapit na kami sa kotse niya nang biglang lumitaw ang bagyo sa harapan naming dalawa. What is he doing here? Bigla-biglang lumilitaw ang baliw na bagyo na ito na parang kabute. Ni wala man lang preno?

Saan ka ba naman nakakita ng bagyong may preno?

"Akala ko ba sa akin ka sasabay?"

He asked me with a creased forehead. He sounded annoyed and I don't even know why. Nakalimutan na ba niya na nag-aaway kami dahil ayaw niya akong pagbigyan o sadyang nakakalimot lang siya?

As usual, he was wearing his uniform with a loose tie. Hindi ko alam kung sinasadya niya iyong iloose talaga at hindi dahil sa hindi siya makahinga at hindi kumportable sa pagsuot ng tie. Kung ano ang siyang kinalinis ng kwarto niya ay siyang kinapangit ng pagsusuot niya ng uniform. Mukha tuloy siyang gangster sa itsura niya. It's not like ang pangit ng pormahan niya. I just don't like how he dressed up. Pero at least, nadadala naman niya dahil nagmumukha siyang mayaman at mabango. Buti pa itong si Alikabok, kung ano siyang kina-dumi ng pangalan niya ay siyang kinaganda ng kaniyang porma. Malinis tingnan at hindi kagaya ng isa dito.

"Wala akong sinabi na sasabay ako sayo. At saka pakialam mo ba kung sasama ako kay Alika--, I mean Dust."

Akmang sasakay na ako sa kotse ni Alikabok nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako. Tiningnan ko siya nang masama.

"Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!"

"Magagalit si Manang Siling."

He said out of nowhere. Okay, anong connect?

"Kung kani-kanino ka kasi sumasama."

Nairapan ko siya sa alibi niya.

"Kaibigan ko si Dust. May tiwala ako sa kaniya at saka mas hindi ako ligtas sa Jeep dahil ikaw na ang may sabi, maraming manyakis ngayon!"

Nabitawan niya ang kamay ko sa sinabi ko. Mukhang narealize niyang tama ako dahil medyo natigilan pa siya. Tumingin siya saglit kay Alikabok bago nilapat ang mata sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Para talagang sira ang isang to.

"Do you really think you'll get in trouble with me - riding a Jeep?"

Nagtanong pa. Gusto kong matawa sa sinabi nya. The last time we ride on a Jeep muntik na kaming mapaaway sa init ng ulo niya.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now