Chapter 19

219 14 0
                                    

The moment that Bagyo left me when his Coach has called him for an urgent practice ay nagsilapitan kaagad ang kung sinu-sino sa akin. Pinalibutan ako ng mga hindi pamilyar na mukha ng mga babae. Hindi ko sila kilala. At hindi ko rin alam kung bakit sila nasa harapan ko.

Nandito ako ngayon sa soccer field at nagmumuni-muni nang magsilapitan ang mga babaeng ito sa akin. There were nine of them.

"Tingin mo siguro ay sobrang haba na ng buhok mo dahil pinag-aawayan ka ni Thunder at Storm noh?"

The one with an orange hair clip said. This girl must be this mean girls' leader.

At saka ano daw ang sinabi niya? Pinag-aawayan ako ni Bagyo at Kulog?

Nababaliw na ba siya? Ako nga ang inaaway ni Kulog at Bagyo noon ee. Hindi ko siya sinagot at balak na sanang lagpasan nang hablutin niya ang braso ko at kinulong nila ako ng mga kaibigan niya. Ngayon ay nasa gitna nila ako at hindi ko alam kung bakit ako natakot bigla sa kanila.

Kahit kailan ay wala akong inurungan. Nagawa ko ngang takasan ang pamilya ko kaya ako napadpad dito ee. Sinasabunutan ko nga si Kulog kapag naiinis ako sa kaniya ee. Hindi ako basta-basta natatakot kaya hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko ngayon. Marahil dahil iba ang sitwasyon ngayon dahil madami sila.

"Ano bang kailangan niyo sa akin?"

Mababang tanong ko. As much as possible, ayaw kong gumawa ng isang bagay na maaaring magtrigger sa kanila na saktan ako. Walang tutulong sa akin for sure kapag nangyari iyon.

"Akala mo ikaw ang pinag-aawayan ni Thunder at Storm? Ang hindi mo alam, sabit ka lang dito. I'm sure both of them are just using you to get rid of their grievances to each other. Naggagantihan lang sila and since pakialamera ka ay ikaw na ang kanilang ginawang instrumento."

What does she mean?

"Bago ka pa dumating ay nag-aaway na si Thunder at Storm."

Alam kong magka-away na sila noon pa man pero wala akong idea kung ano ang pinag-aawayan nila. Ano bang pakialam ng babaeng to?

"They were fighting over Sunny. Storm loves Sunny so much to the point that he even choose her over the friendship he has to Thunder. Kaya kung ako sayo, hiwalayan mo na si Storm. Dahil hindi ka niya mamahalin kasi si Sunny ang mahal niya since day one!"

Tiningnan ko ng masama ang babaeng nasa harapan ko. Ang kapal naman talaga ng apog niya na sabihan ako na hiwalayan si Bagyo ng ganun-ganun nalang. Sino ba siya sa akala niya?

Kung totoo man ang sinasabi niya na mahal nga ni Bagyo ang babaeng sinasabi niya ay wala na akong magagawa doon.Pero ang sasabihin lang ni Bagyo ang paniniwalaan ko. Ako ang gusto ng bagyo na iyon at alam kong hindi siya nagsisinungaling. Hindi niya ako lolokohin. I know, kung sino man ang babaeng iyon ay parte lang iyon ng nakaraan ni Kulog at Bagyo.

"Anong karapatan mong sabihin sa akin na hiwalayan si Storm? Sino ka ba sa akala mo?"

"Hindi mo parin ba nagegets ang sinasabi ko o sadyang tanga ka lang?"

Nag-init bigla ang ulo ko sa sinabi niya. Pinigilan ko ang kamay ko dahil baka masampal ko siya nang wala sa oras. Kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng to. Si bagyo lang ang may karapatang tawagin akong tanga.

"Kapag bumalik si Sunny ay magiging itsapwera ka nalang!"

I grinned at her. Nanlaki naman ang mga mata niya sa inasta ko. Iniisip siguro nila na matatakot ako sa kanila.

"Kapag bumalik ang kung sinuman iyang sinasabi mo ay sinisiguro kong siya ang magiging itsapwera. Ikaw na ang may sabi diba? Umalis siya, kaya wala na dapat siyang balikan!"

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now