Chapter 25

172 12 2
                                    

I was left alone in the house cause Bagyo has something to finish outside of the island. Hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta pero siniguro naman niya na hindi talaga ako literal na mag-isa. Kasama ko lang naman si Kim dito sa bahay. Sinama niya iyong lima dahil matagal na silang nandito. Meanwhile, akarating lang kahapon ni Kim dito at mukhang tapos na ang trabaho niya sa Nieves.

It's been a week of us staying here. Wala namang naging problema sa stay namin ni Bagyo dito. In fact, we are already doing our online classes. Minsan ako lang ang nag-oonline class. Si Bagyo kasi ay nagbabasa lang at nakakasagot na sa mga quizzes o kaya ay exams niya. Samantalang ako na hindi talaga pinagpala ang utak ay hirap na hirap mag-adjust. Kasi naman... Hindi ako sanay sa online classes. Kaya nga ayaw na ayaw kong mag-online classes noon ee. Hindi ko inakala na ang mga bagay na iniiwasan ko noon ay siyang ginagawa ko na ngayon.

Hindi ko alam kung anong oras babalik sina Bagyo dahil wala naman siyang sinabi sa akin.

Naka-upo ako sa may malapit sa swimming pool area habang nagmumuni-muni. Masarap kasing pagmasdan ang tubig sa swimming pool dahil napaka-asul nito. Sayang nga at hindi ako pinayagan ni Bagyo na gumala man lang sa labas ng resort. Kaya ang mangyayari ay tititigan ko na lamang ang galaw ng asul na tubig sa pool.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at hindi ko na lang pinansin dahil alam kong si Kim lang naman iyon. Ganiyan naman siya palagi. Biglang nalitaw sa tabi ko nang walang pasabi.

Napatingin lang ako sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko. I looked at him and he got this unreadable expression written on his face. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Mukha siyang may sakit dahil malamlam ang mga mata niya.

Natutulog pa ba tong isang to?

I've known him for the past weeks and he was not himself today, I must say. Kahit noong unang dating palang niya dito sa Isla ay iba na ang nakikita kong awra sa kaniya.

In fact, I've seen him and Bagyo fight once. They were having an argument. He punched Bagyo and the other didn't even fight back. Balak ko pa sanang puntahan sila para magtanong pero napigilan ako ni Vico.

"Are you happy?"

Why is he suddenly asking me this?

"Syempre masaya ---"

"Is that real happiness you're feeling, Ariella?"

Nangunot ang noo ko at parang na-insulto ako sa klase ng tanong niya at sa tono ng pagtatanong niya.

Is he mocking me?

Sinasabi ba niyang pinipilit ko lang maging masaya at hindi naman talaga ako masaya?

"What are you trying to say?"

Naiinis na ako sa kaniya ha! I never knew he has this ill attitude.

"Paano mo nga ba malalaman na totoong masaya ka?"

Nakagat ko ang labi ko sa tinanong na naman niya. He's getting on my nerves. Napaisip ako bigla. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. But one thing is for sure, I am happy cause I'm with Bagyo.

"Masaya ka kapag masaya ang mga taong mahal mo sa buhay."

I answered him confidently. Well, I'm happy cause I can make Bagyo happy. We are each other's happiness.

Ano bang pinupunto nitong gagong toh?

"Then you're not really happy, Ariella."

"What?"

What the hell! Anong sinasabi niya? Pinigilan ko ang sarili ko na saktan siya.

"Si Storm lang ba ang mahal mo, kung ganun?"

Stolen ChancesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora