Chapter 4

429 20 4
                                    

"Para ka talagang bata! Ano ka taga bundok na hindi pa nakakakain ng Ice cream?"

Hindi ko pinansin ang lintanya ng bagyo sa tabi ko at nagpatuloy nalang sa pagkain ng ice cream ko. Wala akong paki-alam sa sinasabi niya. Basta masaya ako dahil nakatikim na ako ng ice cream. Boung buhay ko hindi ko naman naranasan na kumain ng ice cream eh. Natatandaan ko noon, maraming pagkain ang bawal sa akin. Mga pagkain na bawal sa akin dahil pinagbabawal ni Mama. Ang sinasabi ni Mama, dirty ice cream daw ang tawag dito pero kapag kinakain naman ng mga bata, hindi naman sila nadidirty. Ganun lang talaga sa society. What poor people eat, they were called dirty. Tapos iyong mga pagkain naman na kinakain ng mga mayayaman, hindi dirty ang tawag. Kaya nga minsan naiisip ko, saan lulugar ang mga mahihirap sa mundong punong-puno ng judgments?

"Alam mo ba na dirty iyang kinakain mo?"

Napatingin ako sa kaniya nang dahil sa sinabi niya. Oh eh ano naman kung ganun?

"Syempre, alam ko. Kaya nga dirty ice cream, diba? Pero ano ba namang pakialam ko? At least nakakakain ka nito. Iyong iba nga diyan, gusto ng ice cream pero hindi sila nakakakain dahil bawal sa kanila. Dirty man iyan o hindi, ang importante, may ice cream ka. Chosy ka pa."

Nakangiti na siya ngayon habang nakatingin sa akin. Hindi siguro siya makapaniwala na may na-meet siyang kagaya ko na ignorante na't lahat eh wala pang manners. Inirapan ko nga. Parang baliw lang. Nangiti ng walang dahilan.

Pagdating namin sa bilihan ng mga gulay, nakanganga lang ako dahil hindi ko alam ang kukunin ko at kung ano ang bibilhin ko. Ni hindi ko nga kilala ang mga gulay na nasa harapan ko ngayon. Ang tanging kilala ko lang sa kanila ay iyong kamatis at kangkong dahil iyon ang madalas lutuin ni Yaya sa mansion noon.

"Hulaan ko, hindi ka siguro marunong magluto noh? Tsk! Tumakas ka pa sa inyo eh wala ka naman palang alam." Natatawang aniya. I glared at him. Masyado siyang judgmental. Hindi naman niya alam ang rason kung bakit ako tumakas. At saan naman niya nakuha na tumakas nga ako? At saka hindi naman ako nakikinood sa pagluluto ng mga yaya sa bahay. Ayaw ni Mama and so I just settle myself watching TVs all the time.

I sighed. Ano ba naman klaseng tao  ako? Pati sa gulay ignorante.

"Ako na ang mamimili ng mga pagkain mo. For one week, pwede ka sa aking makikain. But after one week, magkalimutan na tayo." Sabi niya na para bang napakalaki kong pabigat sa buhay niya. Tumango nalang ako. At least pakakainin ako ni bagyo. Bahala na siya sa kung anong nais niyang isipin. Wala naman akong magagawa dahil utak niya iyon.

"Pero bagyo, marunong ka bang magluto?" Tanong ko sa kaniya. Umiling ang bagyo na siyang ipinagtaka ko. Ang kapal naman pala ng mukhang mang-invite eh hindi rin naman pala marunong magluto. Pwede daw akong makikain eh wala palang alam sa kusina. Pinagloloko ba niya ako?

"Eh anong ipapakain mo sa akin?"

"Itlog lang ang kaya kong lutuin. Magpaturo ka kay Manang Siling kung paano magluto at kapag natuto ka na eh ako naman ang ipagluluto mo."

Tiningnan ko siya ng masama. Ang kapal ng mukha, grabe! Sino siya para ipagluto ko? Sinuswerteng bagyo to ah.

Nang matapos kaming mamili ng mga gulay ay sa wet section naman kami pumunta. Bumili lang kami ng chicken na hindi ko alam kung paano niya lulutuin dahil hindi naman siya marunong magluto. Like Hello? Anong aasahan mo diyan? Hindi naman ako maka-suggest dahil ano ba naman ang alam ko? Pinapabayaan ko na nga lang ang asungot sa kung ano ang pinagkukuha niya.

"Pre, pakitingnan lang ang dala namin ah. Doon lang kami nitong misis ko sa damitan."

Pakisuyo niya doon sa lalaking nagtitinda ng bigas. Tiningnan naman ako nung lalaki mula ulo hanggang paa. Hindi ko siya magawang ngitian dahil ang utak ko ay pumupunta sa kung ano ang gagawin kong hakbang para mapatay ang bagyo na ito. Sabihan daw ba sa kaibigan niya na asawa niya ako! In my head, I was stabbing the Storm multiple times.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now