Chapter 29

146 11 1
                                    

Nang matapos kami sa lahat ng adventure namin ni Bagyo ay sa isang maliit na gazebo naman kami nagstay boung maghapon. It was already 8:00 in the evening. I was worried about Tita but he told me na may nagpadala na ng pagkain kay Tita kaya wala na kaming poproblemahin. May duyan sa gazebo kung kaya't ngayon nga ay doon kami nakahiga. Ako ay nakahiga sa dibdib niya habang siya naman ay nakayakap sa beywang ko. Our position is awkward, I know. Pero wala na akong magagawa dahil siya ang may gusto nito. Ano ba naman ang laban ko sa lakas niya?

Tiningala ko ang Bagyo na wala ng sinasabi at natagpuan siyang nakapikit.

He's asleep?

Napabuntong hininga ako. Baka nga sobrang pagod na talaga niya kaya siya nakatulog kaagad. Naaawa ako sa kaniya. Hindi siya gaanong nakakatulog nitong nakaraan dahil sa stress sa trabaho. Inabot ko ang mata niya para sana hawakan nang magmulat siya ng mga mata at hawakan ang kamay ko.

"Akala ko tulog ka na."

"Paano ako makakatulog kung nasa ibabaw lang kita?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hinampas ang dibdib niya na tinawanan lang niya.

Ang gagong to talaga!

"Hoy! Manyakis to! Ikaw kaya ang naglagay sa akin dito tas magrereklamo ka?"

"I was just kidding. Naglilihi ka ba? Wala pa nga tayong ginagawa ay may nabuo na kaagad?"

"Isa, Bagyo!"

Tinawanan niya lang ulit ako.

"Uuwi na talaga ako!"

Naiinis kong sabi at akmang aalis na sa duyan nang maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa akin.

"Bitawan mo nga ako, Bagyo! Aalis na talaga ako dito! Iniinis mo lang ako ee!"

Na-fufrustrate ako sa nangyayari!

"No, Ariella I won't let you go. Never. Not right now, not tomorrow and not even in the after life."

Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi naman iyon ang tinutukoy ko pero iyon ang tinutukoy niya.

Sumeryoso ang kaninang makulit na awra niya. He looks so damn serious right now while looking at me firmly.

"What I'm trying to say is sa bahay ako uuwi."

I explained to him but my explanation didn't change his expression. Mas lalo pa nga ata siyang nagalit.

"Don't ever say you'll leave me again, Ariella. Don't you dare ask me to let you go again, cause I'm not doing it."

I tried touching his cheek to calm him down but he averted his gaze and so I stopped.

"I'm sorry." I mouthed.

He sighed before looking at me.

"You don't have to apologize. I was just overreacting."

"Hindi mo naman ako iiwan, Ariella right? Pakiramdam ko kasi ay nagsasawa ka na sa akin and you wanted to go."

Gusto kong pawiin ang nararamdaman niyang takot na baka iwanan ko siya pero hindi ko magawa dahil alam kong kakailanganin ko siyang iwan.

"I will not leave you, Bagyo."

"Talaga? Promise?"

Napatawa ako kahit na parang pinipiga ang puso ko sa pagsisinungaling sa kaniya.

Kanina habang kausap niya ang secretary niya at iniwanan niya ako sa may zip line ay tumawag ako kay Kuya Rob gamit ang cellphone niya. I left my phone at home.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now