Chapter 14

259 15 4
                                    

"Wala na bang ibang pwedeng pagtrabahuan kundi dito lang?" Mahinang sabi ko kay Bagyo.

Nandito kami sa lobby ng Nieves resort at ngayon nga'y kausap ni Bagyo ang secretary ng may ari ata ng resort. Kumikindat-kindat pa si Bagyo habang nakikipag-usap sa babae. Actually, marami silang babae ang kausap niya. At naiinis ako dahil mukhang close na close niya ang mga tao dito kahit na isa lang naman siyang bell boy.. Kung sinu-sino na lang ang nag-ha-hi sa kaniya kanina na maske bakla ay nakiki-hi. And the worst part ay tinatawag pa siyang sir ng mga ito. Hindi naman mukhang karespe-respeto ang gago sa sout niyang white Polo shirt at white shorts pero kung ituring siya ng mga ito ay para bang napaka-importante niyang panauhin. Napapairap ako ng wala sa oras.

"This is your only way out, Ariella. At least magwawalis ka lang ng mga rooms. And besides, I'll be there to accompany you. I'll help you with everything. Alam ko namang medyo ano ka."

Pinandilatan ko siya ng mata. Alam ko na naman ang sasabihin niya na tatanga-tanga ako at hindi maka-intindi. Nagpigil siya ng ngiti bago bumaling ulit sa babae.

"So pwede na siya bukas right?"

Tumango ang babae. Inirapan ko naman ang iba pang babae sa paligid namin dahil halatang nagpapacute sila kay Bagyo. Hindi naman sila pinapansin ni bagyo dahil busy siya sa secretary.

"I'll just tour her around. Maiwan ko na kayo."

Sabay-sabay na nagsi-yukuan ang mga babae na siyang pinagtaka ko habang hila-hila ako ni bagyo palayo sa kanila. Wala naman kami sa South Korea pero kung makaarte ang mga ito ay para bang nandoon kami at CEO ang kausap nila.

Ang Oa huh!

Hinila ulit ako ni bagyo at dinala sa mga rooms ng resort.

"This is the rooms for VIPs. Kaya kailangan ingat ka sa mga gamit dito. Ikaw ang magbabayad kapag may nasira ka dito."

"Hindi pa nga ako nagsisimula, magbabayad agad? Grabehan huh!"

"Hindi naman ako clumsy. Tanga lang minsan."

Mukhang nasasanay na akong i-acknowledge na tanga nga ako minsan.

"I work as a bellboy here. So kapag maglilinis ka ng mga rooms, sasamahan kita. Kung nasaan ka, dapat nandoon din ako."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Tingin mo talaga hindi ko kaya ang sarili ko ano? Magtatrabaho ako dito ng mag-isa. Hindi mo na kailangang alalayan ako."

"Basta sasamahan parin kita!"

Nang matapos kami sa paglilibot ni Bagyo ay dinala niya ako sa sentro ng Festival.

We dine in to a nearby small food booth. Natakam ako bigla pagkakita palang sa mga pangbeach food nila. I was not able to see this when I was with Alikabok dahil gabi na nun. At hindi kami medyo nakapaglibot.

Naiinitan na rin ako sa sout kong jacket. Ako lang ata ang nakajacket dito sa resort. Ang iba ay naka-two piece at kung ano pang ka-echosan. Dahan-dahan kong binaba ang zipper ng sout kong jacket para sana mawala ang init nang pigilan ako ni Bagyo. Hinawakan niya ang kamay ko sa zipper ng jacket.

"What the hell are you doing?"

Damagundong ang boses niya na pati ang ibang costumer ay napatingin na sa gawi namin. Napayuko ako.

"Ang init! Tatanggalin ko lang to."

Tiningnan lang niya ang mga mata ko bago lumunok.

"Can't you just wear that for awhile? Ibibili kita ng T-shirt mamaya."

Mahina niyang sabi at hindi pa rin binibitwan ang kamay ko na nakahawak sa zipper.

Ano bang problema niya sa paghuhubad ko? May sando naman ako sa loob.

Stolen ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon