Chapter 26

135 9 1
                                    

Naaalimpungatan ako nang makarinig ako ng sigawan sa labas ng kwarto ko. Naririnig ko ang galit na boses ni Kim at Bagyo.

Nag-aaway sila. Na naman?

Dali akong bumangon at lumabas ng pintuan. Naabutan kong nakalagapak si Kim sa sahig habang si Bagyo naman ay nakatayo at galit na galit na nakatingin kay Kim. Nakahawak sa kaniya ang iba pa nilang mga kaibigan dahil mukhang susugurin na naman niya si Kim. Balak ko pa sanang lapitan si Bagyo nang makitang madami siyang pasa sa mukha pero pinigilan ko ang sarili ko.

"You don't have the right to tell me what to do. No, I refuse to let anyone dictate my life."

Galit na galit na sigaw ni Bagyo. Akma na siyang susugod kay Kim pero dahil nakahawak sa kaniya si Vico at si Brent ay hindi niya magawa.

"Hindi naman mangyayari to kung binalik mo lang si Ariella sa kanila. Habang nandito si Ariella, gigipitin ka ng mga halimaw na iyon!"

"Ilang beses ko bang uulitin sayo na akin lang si Ariella! Kung nasaan ako dapat nandoon din siya! Kaya wag mong ipagpilitan ang gusto mo na isuli ko si Ariella dahil hinding-hindi ko gagawin iyan!"

I have never seen this side of Bagyo. He looked so mad and ready to eat his prey - na para bang kahit sino ay kaya niyang saktan sa oras na ito.

"Ganun ka ba kabaliw sa babaeng iyon na kaya mong hindi na makita pa ang iyong ina basta ba ay kasama mo siya?!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo kay Bagyo nang makita ko sa mata niyang desidido siyang saktan si Kim.

"Stay right there, Ariella."

I stopped on my track due to Vico's voice. He was giving me daggers - telling me not to near Bagyo - not to interfere. Namumula na ang mata ni Bagyo habang nakatingin kay Kim. Kitang-kita ko kung paano lumambot ang mata ni Bagyo nang mapatingin siya sa gawi ko. Huminga siya nang malalim bago pinikit ang mga mata niya.

"Leave"

Madiin niyang sabi at binukas ang mga mata. Bumalik na ang dating galit na nakita ko kanina sa mga mata niya.

"The 6 of you, leave!"

"Nandidiri ako sa mga pinaggagawa mo, Storm."

Said Kim before he and his friends went out of the mansion - leaving the two of us - alone.

Silence

He sighed before looking back at me. Pagod ang unang nakita ko sa mga mata niya. Napaluha ako nang mapasadahan na naman ng mga mata ko ang mga pasa sa mukha niya.

May nanakit ba sa kaniya? Bakit ang dami niyang pasa?

"Come here, baby."

Hindi ako nag-alinlangan at patakbong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

God! I missed him.

Bumuhos ang luha ko nang maramdaman ang braso niya sa beywang ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Pati pagtawa niya ay may halong pagod.

"Di halatang namiss mo ako, ah."

Hinampas ko ang likod niya. Nagawa pang magbiro gayung puro pasa na ang mukha niya. Lumayo ako sa kaniya at hinawakan ang mga pasa sa mukha niya. Mas lalong nagtuluan ang mga luha ko.

"Sinong may gawa nito? Bakit may mga ganito ka?"

Nag-iwas siya ng tingin.

Lies...

I know he'll lie again. Ganiyan talaga ang itsura niya kapag nahihirapan siyang magsinungaling.

"Iniwanan mo naman ako kanina na walang kahit na anong galos pero bakit pagbalik mo may mga ganiyan ka na? Pinagloloko mo ba ako, Bagyo?"

Stolen ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon