Chapter 13

267 18 3
                                    

"Ate Ariella are you going to accompany my kuya next week of fetching me again?"

Selene was holding my hand while Kulog was driving. Mag-gagabi narin at hindi na ako nakapagsabi na hindi ako makakasabay kay Bagyo. I'm sure mag-aalburuto na naman iyon. Hindi ko naman siya matext dahil wala akong number niya.

"Hindi ko alam, baby eh. But I'll try my best."

"Ayy sayang naman po. But can you visit me once in our house? Kahit isang beses lang po. Pretty please?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko at kung paano ko siya tatanggihan gayung ang cute cute niyang tingnan habang naka-puppy eyes sa harap ko.

Eh kung iuwi ko na itong batang ito sa apartment?

Dahan-dahan akong tumango na nagpangiti sa kaniya. Nakita kong sumulyap sa amin si Kulog mula sa rear view mirror.

"If you can't keep your promise then don't. Masasaktan lang ang kapatid ko."

"I'm not promising her anything. I just said one of these days bibisitahin ko siya sa bahay niyo. I can actually do that without your help."

"As if the guards will let you in." He uttered sarcastically.

Inirapan ko nalang siya. Akala naman niya kailangan ko siya. Ang kailangan ko lang naman ay address para makapunta doon sa bahay nila. Hindi naman siguro tanga ang guard na di ako papasukin eh nandoon nga si Selene. Depende nalang kung siya ang haharang sa mga guard para di ako papasukin. Sa sama ba naman ng ugali niya!

Kinuha ko ang number ni Selene. Ang bata pa niya pero may cellphone na siya. Pero ang sabi naman niya ay hindi naman daw  niya ginagamit ang cellphone dahil number iyon ng mommy nila.

When I arrived at home, I didn't expect Storm to be waiting for me inside my room. But here he was sitting on my bed with a frown on his face.

"Kahapon, alikabok ang kasama mo. Ngayon naman ang kulog ang kasama mo. Seriously, Ariella? Kung kani-kanino ka nalang ba suma-sama! Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo?"

I rolled my eyes.

"Wala namang masama sa pagsama sa kanila ah? Nakaka-uwi naman akong ligtas. At saka pinilit lang ako ni Kulog na samahan siya sa pagsundo sa kapatid niya."

Dumiretso ako sa maliit na cabinet para kumuha ng bagong damit na susuotin. This day is very tiring yet fun.

"I've bought foods. May trabaho ako ngayong gabi. Baka madaling araw na ako maka-uwi. Isarado mo ang pintuan mo. Huwag kang magpapasok ng kung sinong puncho-pilato."

"Baka mamaya niyan ay may alikabok na naman dito." Bulong pa niya na narinig ko naman.

"You don't need to tell me what to do, kaya ko ang sarili ko."

"Kung kaya mo ang sarili mo hindi na dapat ako nag-aalala para sayo. Pero sa itsura mo, mukhang pati hangin ay kaya kang patumbahin." At nagtatakbo na siya bago ko pa siya mabatukan sa sinabi niya.

Gago iyon! Anong akala niya sa akin? Sobrang payat na pati hangin ay hindi ko matake?Bwesit talaga ang bagyo na iyon!

Nang matapos akong maligo ay kinain ko na ang sinasabi ni bagyo na binili niyang pagkain sa lamesa. Pinakain naman ako ni Kulog pero iba pa rin talaga ang mga pagkaing binibili ni Bagyo. Nakaka-adik!  After eating, I went to my bed and was about to sleep when my phone beeped. An unknown number texted me.

Unknown:
[Thursday, wear something presentable. Don't disappoint my sister or else you're dead!]

Nanlaki ang mga mata ko. Kahit hindi ko alamin kung sino ang nagtext ay alam ko na kung sino base sa pagtext palang niya. Ang kapal din naman ng Kulog na iyon na utusan ako. Pupunta ako doon na kahit na ano ang sout. Paki ba niya sa susuotin ko? Di naman siya ang kikitain ko! Bahala siya diyan.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now