Chapter 18

233 12 0
                                    

Nakatulala lang ako habang nakahiga sa higaan ko. Up until now, I couldn't believe that Bagyo is already here. Na nandiyan siya sa labas kausap ang mga kaibigan niya. That we breath the same air again. That we occupy the same space again.

Napatingin ako sa may pintuan nang bumukas ito at nakitang pumasok si Bagyo. Nagharumentado bigla ang aking puso nang makitang lumapit siya sa kinaroroonan ko. There's worry in his eyes. Probably, nasabi na nina Kim kung ano ang nangyari kung bakit ako umiiyak kanina nang abutan niya ako sa gilid ng gate. Nang makalapit siya sa akin ay umupo siya sa tabi ko. Bumangon naman ako at umupo katulad niya. Walang nagsasalita sa amin. We were just staring at each other. He sighed before reaching for my face as he leaned closer to me.

"God knows how much I miss you, Ariella."

Doon lang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari. Ang pangungulila ko na hindi ko maintindihan kung bakit at saan nanggaling. At ang pangako niyang one week ay naging two weeks. Pakiramdam ko ay biglang bumalik ang aking sama ng loob sa kaniya. Napanguso ako at tinabig ang kamay niya sa aking pisngi. Sinuswerte naman ata siya kung patatawarin ko siya kaagad.

"Nagsisinungaling ka lang naman ee. Natiis mo nga ako ng two weeks."

Irap ko sa kaniya.

"Ni hindi ka man lang tumawag para kumustahin ako."

He chuckled. Pambihira!

Naiisip niya siguro na kung maka-arte ako ay parang asawa lang na hindi inuwian ng mister niya.

"Kung tumawag ako at narinig ko ang boses mo ay baka naka-uwi na ako sa tatlong araw pa lang na stay ko doon."

Doon lang ako tumingin sa kaniya. Though, I can see the glitter of happiness in his eyes, nakikita ko ring pagod siya. Nawala bigla ang inis at sama ng loob ko sa nakita kong pagod sa mga mata niya.

Bakit napakamarupok ko naman ata pagdating kay Bagyo? Nakita ko lang na pagod siya ay okey na ang lahat?

"My father is getting married again, Ariella. I don't know what to do. My parents were divorced and I don't even know about it. Ngayon ko lang nalaman. My father was having an affair with one of his colleague."

"Though, alam ko naman na niloloko ni Papa si Mama noon pa man. But I never thought that he'll go this far."

"I'm sorry. Hindi ko alam."

He once reached for my cheek. Nakonsensya naman ako bigla sa sinabi niya. Ni hindi ko alam na ganun ang pinagdadaanan ng pamilya niya. Napaka-insensitive ko naman.

"You don't have to apologize."

"My family is a mess. And I'm doing my best to get my mom as soon as possible but she just won't let me. Naniniwala siya na mababago pa niya ang desisyon ni Papa. Pero kilala ko si Papa. His decision is intact of living us just like how he cast out me before."

"Anong sinasabi mo? Hindi ka lumayas dahil pinalayas ka ng Papa mo?"

Tinitigan niya ako.

"I was just seven when I found out the dirtiest secret of my father. He was having an affair with someone very close to us and so he thought of casting me out. Umalis ako dahil nangako siya sa akin na hindi niya sasaktan ang mama ko but when I came back two weeks ago, I realized he was fucking hurting my mom for 10 years."

"Umalis ako dahil akala ko tama si Papa pero nagkamali ako at hanggang ngayon pinagbabayaran ko ang konsekwensiya ng ginawa kong pag-alis noon. Kung hindi ako umalis ay baka hindi sana ito nangyayari."

Hinalikan niya ang ilong ko.

"Mangako ka sa akin Ariella na kahit na ano pa ang malaman at marinig mo ay hindi mo ako iiwan. Magagawa mo ba iyon sa akin?"

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now