Chapter 6

375 21 1
                                    

Dali-dali akong umpo sa tabi ni bagyo dahil magkaklase pala kami sa first period ko. Pagkapasok ko palang sa room ay ang nang-aasar na niyang mukha ang aking unang nakita. Kung sinuswerte ka nga naman! Tiningnan ko siya ng masama nang akma siyang magsasalita para kuhanin ang atensyon ng professor namin sa harap. May balak pa akong ipahamak sa professor namin. Baliw na to!

"Subukan mo at tatamaan ka sa akin." Ngumuso naman ang bagyo na siyang kina-irap ko. Ang aga-aga, nabubuwesit ako sa kaniya.

"Saan ka ba kasi nagsu-suot? Alam mo ba na kanina pa kita hinahanap?"

"Iniwanan mo ako sa hallway tapos magtatanong ka ngayon? Oh, sino ngayon ang tanga sa atin?"

"Syempre, ikaw. Alangan namang ako eh ikaw kaya ang may 100% possibility na mawala sa laki ng university."

Hindi ako nakapagsalita dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina. Muntikan na nga akong mawala. At kung minamalas ka nga naman ay naka-bangga pa ako ng bastos at antipatikong unggoy.

Tanga ba talaga ako? Bakit pakiramdam ko, totoong tanga talaga ako? Kasi kung hindi ba naman ako tanga, bakit ko tinakbuhan iyong lalaking tumulong sa akin kanina? Bakit ko nabangga iyong mayabang na lalaki?

Napasimangot ako dahil hindi ko matanggap ang naging katangahan ko ngayong araw. Paano pa sa susunod na araw?

"Tanga ba talaga ako?"

Tiningnan lang ako ni bagyo at nangunot ang noo niya sa tanong ko. Tumango siya sabay tingin sa likod ko. Tss... Hindi man lang nagpadalos-dalos. Diba dapat ganun? Kapag ayaw mong biglain iyong tao o kaya ay ayaw mong saktan iyong tao, sasabihin mo sa kaniya ang nais mong sabihin indirectly? Pero ano ba naman ang alam ng Bagyong to doon? Ni wala nga tong pakiramdam diba?

"What are you doing young lady?"

Nanigas ako nang marinig ang boses ng professor namin sa likod ko. Nabaling ang atensyon ko kay Sir na nasa likod ko na pala na ni hindi man lang sinabi sa akin ni bagyo.

"Wala po sir." Mababang ani ko sabay tingin ng masama kay bagyo na pigil na pigil ang tawa. Sinasadya niyang ipahiya ako!

"Patay ka sa akin, mamaya!"

I mouthed at him when the professor went back to his discussion. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na si Sir. He asked me multiple questions bago niya kami pinalabas. Bagyo was just laughing at me all the time. He was so happy seeing me in distress answering the goddamn questions of our professor.

"You should've seen your face. It's priceless."

Sinabunutan ko siya sa inis ko. Hindi ko na napigil ang sarili ko dahil siguro sa punong-puno na ako sa kaniya. Kutang-kuta siya sa akin ngayong araw. Napapatingin na sa amin ang mga kaklase namin at binibigyan nila ako ng masamang tingin. Hindi ko sila pinansin. Wala na akong pakialam if may sumabunot man sa aking fangirls ng bagyong to. Ang mahalaga ay maipaghiganti ko ang sarili ko sa pang-iinis niya sa akin kanina pang umaga. Hindi na ako magtataka kung bukas ay may manabunot sa akin na kung sino. Halata namang mga fan girls niya halos lahat ng mga kaklase namin eh kaya ineexpect ko na iyon.

"Bwesit ka talaga!"

Nakawala siya sa sabunot ko at lumayo sa akin.

"Tangina! Napakamapanakit mo talaga!"

"Kulang pa iyan sa mga pinaggagawa mo sa akin ngayong araw! Hindi mo ba alam na gusto na kitang patayin?"

"You can not do that. Mababawasan ang mga pogi sa mundo."

And then he showed me his peace sign. Ugh! What a bad day!

Mag-isa lang ako habang nakatambay sa isang bleacher malapit sa soccer field. Pagkatapos ko kasing takbuhan si Bagyo ay dito ako dumiretso. Sumagi sa utak ko iyong lalaking tumulong sa akin kanina. Nakonsensya ako sa pag-iwan sa lalaki nang wala man lang pasasalamat. Ni hindi ko na nga maaalala ang pangalan niya dahil nagtatakbo na ako. Pero sino ba naman ang hindi matatakot kung bigla bigla kang yakapin ng isang estranghero?

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now