Chapter 8

336 16 3
                                    

Kanina pa kami naka-uwi ni Bagyo pero hindi parin niya ako pinapansin. It's not like I care if he avoids me for a long time. Hindi lang ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Nasanay na siguro ako sa pang-aalaska niya kaya naninibago ako na wala man lang siyang say ngayon sa kung anuman ang gawin ko.

Pagdating namin sa apartment ay diretso lang siya sa kwarto niya. Ni hindi man lang niya ako tiningnan. Parang kanina lang ay muntikan na siyang makipag-away nang makita niyang masyadong nakalapit at inaamoy pa ako nung manyak na lalaki sa Jeep pero ngayon, ni ha ni ho wala.

Ang boung akala ko ay magluluto muna siya ng kakainin namin dahil hindi pa naman kami nagdidinner pero hindi naman pala. Wala siguro siya sa mood. He was not even looking at me at pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko talaga kung bakit siya nagalit kanina.

Dahil ba sa sinabi kong hindi na ako baby? O dahil napahiya siya sa paglalagay ng kung anu-ano sa plato ko?

Eh hindi ko rin naman alam na allergic ako doon ah. Kanina ko lang din nalaman at ang malala, sa ibang tao pa. Pinikit ko ang mga mata ko para pigilang ang gutom ko na as if magagawa kong pigilan. Nakakatawa dahil para akong tanga dito. Gusto ko ng maiyak sa gutom. Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil pinagbawalan ako ni Manang Siling.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan ko kung kaya't kaagad akong napabangon - umaasang kakausapin na ako ni Bagyo at kakain na kami pero ganun nalang ang disappointment ko nang makita si Manang Siling lang pala ang nasa labas. May dala siyang paper bag. Inabot niya sa akin iyon at bahagyang ngumiti.

"Ang sabi niya, sabihin ko raw na ibinili kita ng pagkain pero siya talaga ang bumili niyan, ijah. Nag-away ba kayo?"

Umiling ako. Hindi naman kami nag-away ni Bagyo. Siya lang naman ang nang-aaway sa akin. May tupak siguro.

"Mga kabataan nga naman! Pasukin mo na siya sa kwarto niya. Mukhang may problema ang mokong at hindi pa kumakain."

Sinunod ko ang sinabi ni Manang at kumatok sa kwarto ni Bagyo. He was topless when he opened his door for me. Nag-iwas siya ng tingin nang titigan ko ang mga mata niya. Sabi na at may problema siya.

"Anong kailangan mo? Diba binilhan ka ng pagkain ni Manang Siling?"

Nakasimangot na siya ngayon sa akin. Napanguso naman ako.

"Sabay na tayong kumain dahil hindi ka pa naman daw nakakain, sabi ni Manang."

Nilagpasan ko na siya at nagtuloy-tuloy sa kwarto niya. Wala siyang nagawa dahil nakapasok na ako sa kwarto niya. Hindi ko masyadong napagmasdan ang mga nakalagay sa kwarto niya before noong dito ako nakatulog dahil bangag pa ako nun. May couch pala sa loob and in fairness malinis ang kwarto niya na taliwas sa ugali niya.

"Bakit may couch ka dito?"

Bored niya lang akong tiningnan bago nahiga sa higaan niya.

"Bakit? Naiinggit ka?"

"You can have this room if you want. I'll be willing to adjust for you."

"Wala naman akong sinasabi ah. At saka ayoko sa kwarto mo. Masyadong organize. Gusto ko ng magulo."

Hindi siya nagsalita for a minute. Binaling niya ang mata niya sa akin.

"Now, I know why you always wanted trouble. You don't want peace of mind. You want the thrill. Why do you want chaos so much, Ariella? Can't you just stay still and stop causing any trouble?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

May alam ba siya sa pagtakas ko?

Bumangon siya mula sa kama at pagod akong tiningnan.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now