Chapter 12

294 11 1
                                    

Kanina ko pa iniisip kung ano ang nangyari kahapon sa resort party. Basta nalang ako nagising na nasa kwarto na ako at iba na ang sout ko. Halos magsumigaw na ako kanina sa panic dahil hindi ko maisip kung paano at sino ang nagpalit ng damit ko. I even hissed at Bagyo when he told me that he was the one who changed my clothes. I never wanted to believe him though but he was not laughing nor grinning when he said that. He looked serious at kahit na ayaw kong maniwala ay mukhang napaniwala pa niya ako. Narindi na nga siya sa akin dahil bigla ba naman akong iniwan sa ere nang dahil sa kakatanong ko. Ang usapan namin ay sabay kaming papasok pero iniwanan lang naman niya ako dahil maraming beses ko na siyang tinanong kung totoong siya ba talaga ang nagpalit ng damit ko. Nainis na siguro sa kakulitan ko kaya mas pinili na lamang niyang umalis. Buti nalang at dumating si Alikabok sa bahay para sunduin ako dahil kung hindi ay baka nag-iiyak lang ako magdamag at hindi na pumasok.

Mag-isa lang ako habang naglalakad ako papunta sa library. Hindi talaga ako mahilig magbasa pero kailangan kong pumunta doon dahil wala namang gustong kumausap sa akin. At least doon, alam kong bawal magsalita kaya hindi ako masasaktan kahit na walang kumausap sa akin. Kanina pa ako hindi pinapansin ni Bagyo tapos si Alikabok naman ay may training sa swimming team kaya hindi niya ako mapuntahan. Walang gustong makipagkaibigan sa akin. Ni walang gustong madikit sa akin. I felt like I don't belong here. Wala naman dapat akong pakialam kung may kaibigan man ako o wala. But the thought that no one has tried approaching me frustrates and saddens me.

Nang dumating ako sa library ay sa pinakasulok ako pumwesto. When I was already seated, I took my phone out to play adorable home.

"What kind of game is that?"

Muntik na akong mapatalon at maitapon ang cellphone ko nang may bumulong sa akin. Thunder was laughing when I looked at him.

What the hell is he doing here?

"You're playing that crap?"

Inirapan ko siya.

"I never knew assholes were actually going here."

He grinned.

"Hindi naman ito simbahan, so yeah. Assholes can always come here."

"Ikaw? Anung ginagawa mo dito? Playing crap? Kahit kailan talaga ay hindi ka makasabay sa uso."

Naiiling pa siya na para bang disappoint na disappoint siya sa ginagawa ko. Ang kapal din naman ng face eh no? Lumapit lang dito para mang-asar. Hindi ko na sana siya papansinin at itutuloy na ang paliligo sa pusa nang magsalita na naman siya.

"Wanna go somewhere?"

Nilingon ko siya habang nakataas ang kilay.

"I've seen your schedule and you're only waiting for Storm right? Wala kang pasok in your last two subject cause the faculty has urgent meeting. So wanna go with me?"

"Saan mo nakita ang schedule ko?"

He shrugged his shoulder.

"Just galawang Thunder!"

I stared at him.

"There's nothing I can't do, Ariella."

He wiggled his brows.

Hindi na niya ako pinatapos pa sa sasabihin ko pa sana dahil nahila na niya ako patayo sa kinauupuan ko. He was just dragging me without even asking if I wanted to go with him. Ni hindi man lang naisip na nasasaktan ako sa hila niya. Kahit kailan talaga ay walang pakialam ang gagong to sa mga masasaktan niya. Hinayaan ko lang siya paghila sa akin dahil wala naman akong magagawa. His car was parked near the gate where other cars were parked. Pareho sila ng kotse ni Alikabok. The only difference is, his is purple and alikabok's is yellow. Alam kong wala talaga akong pakialam sa mga nakikita ko but isn't it weird? He is Thunder Buenavista for goodness sake and his car's color is purple. Ang bakla lang. I can understand Alikabok's choice of color cause it defines his personality pero itong si kulog? Hindi ko magets.

Stolen ChancesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang