Chapter 10

300 12 1
                                    

"Saan mo ba talaga ako dadalhin, Alika--, I mean, Dust?"

Alikabok looked at me with a glint of amusement in his eyes. I don't know but I noticed that he seemed to be in a good mood right now. The glint of happiness in his eyes is so visible. I wonder why he seemed to be so different today?

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang marealize na muntik na namang maging Alikabok ang tawag ko sa kaniya. Nakakahiya.

He shook his head when he noticed my reaction.

"Diba sinabi ko na sayo na okay lang na Alikabok ang itawag mo sa akin. Hindi naman ako magagalit, Ariella. Kung saan ka kumportable, doon din ako."

"Nahihiya ako."

I pouted my lips. Ngayon, siya na man ang nag-iwas ng tingin. His jaw is clinching.

"Don't do that again in front of me." Mariin niyang sabi.

Okay, what did I do? My forehead creased.

"Forget it. Malapit na tayo."

I just nodded my head kahit na medyo naguguluhan talaga ako sa kaniya kanina pa. Kanina kasi, pagkalabas ko sa last period ko, pinuntahan niya ako at bigla nalang hinila kung saan. Nakita pa nga kami ni Bagyo pero hindi ko na napagtoonan ng pansin ang isang iyon dahil nga hila-hila ako ni Alikabok. Wala namang masama kung sumama ako sa kaniya dahil harmless naman siya based on my observation. And besides, I feel like I know him and I'm comfortable around him.

I told him that I still have class in the afternoon but he told me, he'll take care of it. Hinayaan ko nalang dahil nasa sasakyan na niya ako nun eh. May magagawa pa ba ako?

Tumigil ang kotse. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan na kagaya ng ginawa niya kaninang umaga. Hindi ako sanay na pinagbubuksan ako ng pintuan dahil pakiramdam ko ay nasa bahay parin ako na nakakulong sa sulok ng mansion namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan niya ako dinala.

"Paano?"

I don't know how to react. How did he know that I've dreaming to come here?

"Bakit nandito tayo?"

Nagtubig ang sulok ng mga mata ko. Boung buhay ko, pinangarap kong makatapak sa buhanginan at maligo sa tubing alat. Hindi ako nakakapunta sa mga beach dahil ayaw nina Papa. Kapag may outing ang family, palagi akong hindi pwede. Hindi ko naman maintindihan kung bakit. Ang palaging sinasabi ni Mama, pinoprotektahan lang nila ako pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako dahil pinipigilan nila akong maging normal. Kailanman ay hindi ko naramdamang naging normal ako.

Naramdaman ko ang kamay ni Alikabok sa pisngi ko. He was wiping my tears again.

"I didn't take you here to sadden you, Ariella. I took you here so you can enjoy and feel free." I looked up to him. He was smiling at me.

"So, can I take your hand and let's swim our hearts out?" I put my hand on his palm and as our skin touched, I felt that again. That familiarity...

Napatingin ako sa kaniya and he was also looking at me.

"Nagkita na ba tayo, Alikabok dati? Bakit pakiramdam ko kilala kita?" May dumaang emosyon sa mga mata niya na hindi ko mapangalanan. Kaagad din naman niyang tinago ang reaksyon na yon at bahagyang ngumiti.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now