Chapter 5

424 20 6
                                    

"Ang tagal mo ah."

Nakangisi ang bagyo sa harapan ko habang ako ay simangot na simangot sa kaniya. Kanina pa niya ako hinihintay dahil kung minamalas ka nga naman ay sa iisa palang university kami papasok. Pinaki-usapan siya ni Manang Siling na samahan ako sa first day ko at ang tukmol, nag-volunteer na everyday akong ihatid sa school.

Anong akala niya sa akin, tanga na hindi mahanap ang school?

At isa pa, hindi ko maintindihan kung paano naka-afford ng tuition fee itong si Bagyo eh. I mean, sa isang squatter area siya nakatira, so basically mahirap pa siya sa daga. Saan naman kumukuha to ng perang pampaaral niya?

And take note: hindi basta bastang university ang pinapasukan niya. Sa Smith University lang naman. I mean, branch ng Smith University sa Ithaca dito sa Delphi.

"Magnanakaw ka siguro noh?"

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Ni hindi man lang na-offend sa sinabi ko.

We are waiting for a Jeep and I just turned to him to ask him that. Mabuti na ang sigurado. Para kapag hinuli siya ng mga pulis, hindi ako masasali. Hindi naman siya kahina-hinala pero looks can be deceiving.

"At saan mo naman nakuha iyan?"

Nagkibit balikat ako. Naisip ko lang naman. Impossible na wala siyang ginagawang masama. Saan siya kumukuha ng pera aber?

"Mas mabuti ng sigurado. Paano nangyaring nakakapag-aral ka sa isang pangmayamang eskwelahan eh sa squatter area ka lang naman nakatira?"

Napangisi siya sa sinabi ko. Ni hindi man lang na-offend kagaya ng kanina.

"Hindi porke nakatira ako sa squatter area ay wala na akong karapatang mag-aral sa isang unibersidad. Ano iyon, kayo lang na mayayaman ang may karapatang mag-aral sa isang university?"

Nakonsensya naman ako bigla sa sinabi niya. Tama nga naman. Hindi naman porke mahirap ka eh wala ka ng karapatang mag-aral sa isang university. Pero kasi...

"Eh saan ka kumukuha ng pampaaral mo?"

"Nagtatrabaho,"

"Kumakayod ako para sa sarili ko dahil wala na akong mga magulang. Si Manang Siling nalang ang mayroon ako."

Napayuko ako. Shit! So sensitive of me.

"Sorry."

Now, I feel bad about me badmouthing him. Napanguso ako. Nginitian niya ako bago kinurot ang pisngi ko.

"Para ka talagang tanga. Pagkatapos mo akong laitin, magsosorry ka?"

Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko at tiningnan siya ng masama.

"Masakit iyon ah."

"Hindi ko naman sinasadya na akusahan kang magnanakaw. Malay ko ba na nagtatrabaho ka. Mukha ka kasing batugan eh."

Bumunghalit siya ng tawa na siyang pinagtaka ko. I can see the glint of happiness in his eyes. Like, I have never seen him this happy. Oo nga't palagi siyang nakangisi kapag iniinis niya ako pero ngayon ay iba. Tuwang-tuwa siya na napagkamalan ko siyang magnanakaw. He's weird.

"Don't be sorry. Sanay na ako sa mga ganyan. Hindi na ako nasasaktan."

"Hindi ko alam kung sadyang tanga ka lang or nagtatanga-tangahan ka lang. Nagsorry ka nga but the thought that you keep on badmouthing me in front of me is so funny. How can you be so insensitive to the point that you don't even have an idea what you have been saying? Hindi ka parin talaga nagbabago."

"Tumahimik ka na nga lang!"

"Oh, ikaw na ang pikon niyan!"

Sumakay na kami sa Jeep na dumaan. Hindi ko siya tinitingnan dahil nahihiya parin ako sa mga nasabi ko kanina at namamangha at the same time sa paligid na nakikita ko. Kahit na mausok at halos makain ko na ang usok ay nakatingin parin ako sa mga nadadaanan namin. Malalaki ang mga buildings dito sa Delphi. Aside from Ithaca, Delphi can also be considered as one of the most beautiful place here in Eudaimonia. Hindi ako makapaniwala na iyong mga bagay na nasa imagination ko lang dati ay nararanasan at nararamdaman ko na ngayon. Sinamyo ko ang usok. I feel like I am free from colonization.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now