Chapter 7

352 19 3
                                    

The second quarter was already finished and right now, nagsilabasan na ang mga nanonood dahil tinransfer nila sa afternoon ang 3rd quarter and the last quarter dahil medyo late na sila nagsimula kanina. The game actually started at 10 and now, magla-lunch na ang mga nanood. Nauna ng umalis si Alika- I mean, Dustin para kumuha ng food namin. Ang sabi ko naman sa kaniya kanina ay sabay na kami. Ibibigay ko lang kay Bagyo itong Gatorade niya pero hindi niya ako hinayaan. Ang reason niya ay baka hindi kami makahanap ng mauupuan mamaya and so we decided na dito nalang sa may bleachers kumain and he'll just buy foods from cafeteria.

Nakaalis na ang ibang players and my eyes were looking for that stormy eyes. Nang makita ko sa wakas si Bagyo ay dali akong bumaba ng bleachers. May kausap siyang lalaki from the other team dahil magkaiba nga sila ng Jersey uniform. Nakatalikod parin sila sa akin habang ako naman ay halos tumakbo na para lang malapitan siya. Nagkanda-hulog-hulog iyong laman ng milk tea ko tuloy.

Napatigil ako sa paglalakad nang may tumigil na bulto sa harapan ko. The Jersey doesn't just look familiar dahil iyon lang naman ang Jersey na sout ng mga manlalaro from our university. I looked up only to get disappointed upon seeing the jerk's face. There's a grin plastered on his face. Kasama niya ang mga alipores niya na nagtatawanan.

"Ano iyang dala mo? Peace offering for ruining my day, Ariella?"

Hindi ko talaga alam kung saan niya nalaman ang pangalan ko. I've never met someone like him before. I mean, I haven't met him and yet I feel like he knew me.

At saka ano daw? Peace offering? Eh siya nga ang may kasalanan sa akin eh!

"I'm sorry to burst your bubbles. But these are not for you."

His friends laughed - teasing him. Nawala bigla ang ngisi sa labi niya at nagtiim bagang. Tiningnan niya ako ng masama. Totoo namang hindi para sa kaniya ang mga dala ko dahil hindi rin naman akin  to. Ibabalik ko lang ang mga to kay Bagyo. I was about pass by him when he suddenly grabbed my arm and get the paper bag on my hand. Buti nalang at hindi nahulog iyong milk tea ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang kinuha niya sa loob ng paper bag ang Gatorade na binili ni Bagyo. Gosh!

Bakit napaka-pakialamero niya?

Akmang aagawin ko na sana ang Gatorade nang itaas niya ito kaya hindi ko naabot. Tiningnan ko siya ng masama. Alam niyang hindi ko siya maaabot dahil matangkad siya kaya pinaglalaruan niya ako ngayon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nabatukan ko siya sa sobrang gigil ko sa kaniya.

"What the hell is that!" Shouted the jerk.

"What the hell is wrong with you! Kinuha mo lang naman ang Gatorade na hindi naman para sayo! Napakabastos mo talaga!"

"You haven't really change at all." And now he's talking in riddles.

Why does he keep on acting like he knew me?

"Talagang hindi ako nagbago dahil hindi naman kita kilala." His brows lifted.

"Bwesit ka!" Pigil na pigil ang tawa ng mga kaibigan niya dahil binibigyan ko sila ng masamang tingin.

"Now, you can laugh."

Baling ko sa kanila bago nagmartsa paalis. Nagtawanan naman ang mga gago!

Iniwanan ko sila at pinuntahan ang totoong pakay ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko sa pagkuha pabalik ng paper bag ni Bagyo. Kainin na ng mayabang na iyon. Humarap sa akin si Bagyo at nangunot kaagad ang noo niya pagkakita sa akin.

"Oh, anong problema mo? Nakasimangot ka diyan?"

"May unggoy na kumuha ng mga pinamili mo." Tumaas ang kilay niya.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now