Chapter 23

183 8 0
                                    

Nagising ako nang may ngiti sa mga labi lalo na nang bumugad sa akin ang mukha ni Bagyo. Nakayakap siya sa akin at nakasubsob siya sa leeg ko.

I slowly unclasped his arms on me - careful not to wake him up.

"Mamaya na, Baby Misis ko. Let's just cuddle for now."

He said huskily. Kakagising lang kasi niya. Napanguso ako dahil nais ko sanang paghandaan siya ng makakain ang kaso ay ayaw naman niya akong pakawalan. Binuksan niya ang kabilang mata niya at napangiti nang makita ako. He closed his eyes again before kissing my cheeks.

"Morning, Misis. Ang aga mo naman!"

"I was about to cook your breakfast."

Mahinang sabi ko. He was immediate to open his eyes - eyeing me.

"You'll cook for me?"

Parang batang nasabihan na ibibili nang nanay ng laruan niyang tanong. Nakita ko pa kung paano nagningning ang mata niya.

Umupo siya kaagad at tinitigan ako. At parang tanga siyang napapangiti habang nakatitig sa akin. Nagtataka naman akong nakamasid sa kaniya.

Ganito ba talaga siya? I don't know this side of him.

Konting bagay lang ay na-aappreciate na niya.

"Nakalimutan kong gawain nga pala ng mga misis na magluto ng agahan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Iyon lang ang iniisip niya habang nakangiti kanina?

"I'll take a bath. I'm sure tapos ka ng magluto pagkatapos kong maligo."

He left me dumbfounded.

Naiiling na napangiti na rin ako habang tinatanaw siyang kumuha ng mga gagamitin niya sa pagligo. Napahinga ako nang malalim nang makita kung ano ang laman ng ref ni Bagyo. Lahat ng mga nakalagay doon ay hindi ko alam kung paano lutuin. Sana pala ay nagpaturo ako kay Manang Siling kung paano magluto ng isda o kahit adobo man lang.

Anong lulutuin ko ngayon? Akala pa naman ni Bagyo ay may maluluto ako para sa kaniya.

I'll just cook an egg for him. I think that would be enough?

Napangiti ako nang makitang okey naman ang pagkakaprito ko sa itlog. Hindi man siya sunny side up, at least, I did it. Binuksan ko ulit ang ref at kinuha ang set ng Bacon. Naturuan naman ako ni Manang Siling kung paano ito iprito noon ee. Hindi ko lang kabisado dahil hindi ko naman sinusubukan. Parating itlog ang ulam ko nun. I put some oil on the frying pan. When I saw the oil boiled, I put the slices of Bacon. Hindi ko alam kung tatanggalin ko na ba ang Bacon o ano. Pero since, naging brown na siya ay tinanggal ko na. Matagal na kasi siyang naka-fry. Impossible nalang hindi pa iyon luto.

Nagtimpla na rin ako ng kape ni Bagyo. Hindi ko alam kung umiinom ba siya ng kape o hindi na. Noong mga bata naman kami ay hindi siya nagkakape dahil ang katwiran niya ay hindi naman daw pwede dahil bata pa siya. I'm sure umiinom na siya since malaki na siya. Ang sarap lang balikan nung mga alaala namin nung mga bata kami.

"You done?"

Muntik na akong mapatalon nang marinig ang boses niya sa may gilid ko. Tiningnan ko siya nang masama. Kita na ngang may ginagawa ako ee. Paano kung nahulog iyong hawak kong plato.

Nakasandal siya sa gilid ng cabinet habang matamang pinapanood ako. I had already set the table. Kumpleto na ang lahat at siya nalang ang hinihintay.

"Kanina ka pa diyan?"

Tanong ko. Napangiti siya at nagkibit balikat.

"Just in time to see you checking the foods multiple times."

Stolen ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon