Chapter 15

252 12 1
                                    

The next morning, I woke up feeling awkward. Just what the hell! Ni hindi ako pinatulog ng nangyari kagabi.

Today is Sunday and probably, wala na naman akong magawa. According to Bagyo, my shift at the resort will be at night only. Wala akong maisip na gawin! Can someone help me?

Lumabas ako ng kwarto ko para sana makikain na naman kay bagyo nang maalala ko ang nangyari kagabi. Napapikit ako at pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa naisip. Pero last day naman iyon ng third week of October and I'm sure, kinalimutan na iyon ni Bagyo. Huminga ako nang malalim bago kumatok sa kwarto ni Storm. Bahala na! Kesa naman sa mamatay ako sa gutom. Nakita ko siyang naghahanda na ng almusal niya.

"Wala akong pagkain."

Nakangusong ani ko. Tumango siya bago niya imwestra ang hapagkainan. Lumapit naman ako sa kaniya para umupo sa opposite kung saan siya naka-upo. I was looking at him intently thinking if he could still recall what he had done to me yesterday. He just kissed me. And worst is that was my first kiss.

"What are you doing?"

Nag-iwas kaagad ako ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

"Wala. Ang weird lang. Wala ka bang maalala kagabi?"

At tinanong mo pa talaga, Ariella?

"Yesterday was the last day of October's third week so basically, I needed to forget the things that I don't want to remember during that day."

Hipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan sa sinabi niya. Hindi man niya direktang sinabi pero alam kong ang kahulugan ng sinabi niya ay kailangan niyang kalimutan ang kung anumang bagay na hindi importante para sa kaniya. And one of that is the kiss. Malamang hindi importante iyon sa kaniya dahil lalaki siya. Sa akin lang big deal iyon dahil babae ako.

Pagkatapos kong kumain ay iniwanan ko na siya sa hapagkainan. I'm sure, siya naman ang maghuhugas ng pinggan dahil wala naman akong alam doon.

Kanina bago ako maka-alis sa kwarto niya ay sinabihan niya ako na babalikan niya ako ng mga 6:00 pm para sa trabaho ko. Hinayaan ko nalang dahil wala naman akong magagawa. Sa ngayon, iisipin ko nalang ang maaari kong gawin habang wala pa siya.

Nanood lang ako nang movie habang hinihintay ang pagbalik ni Bagyo. Wala namang TV sa loob ng kwarto ko kaya sa kwarto ako ni Bagyo nanood. Hindi naman magagalit iyon dahil sinabihan niya akong I'm free to use his room all I want. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakapanood. Nagising lang ako sa katok sa pintuan. Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin si Bagyo na nakakunot noo.

"You slept?"

"Obvious ba?" Tinanong pa ee obvious naman.

"Maligo ka na dahil ngayon magsisimula ang trabaho mo sa resort."

At sinunod ko nga ang bagyo na parang aso. Naligo at nagbihis ako ng T-shirt at pants. Nagdala na din ako ng jacket dahil I'm sure malamig sa resort.

Nang makarating kami sa resort ay marami parin ang tao. Iyong totoo? Bakit hindi ito mawalan ng tao? Tinotoo nga ni bagyo na kung nasaan ako ay nandoon din siya. Habang nagwawalis ako ay nakahiga naman siya sa higaan at nagbabasa ng hawak niyang libro. Hindi naman iyon novel dahil base sa cover palang ng libro ay malalaman mo nang mathematics iyon.

"Iyong totoo? Bell boy ka ba talaga dito?" Hindi niya ako pinansin.

Tss... His phone rang and he answered it and after a minute he looked at me.

"I have to go somewhere. Dito ka lang ah. Papupuntahin ko dito si Edith para alalayan ka. Don't do something stupid again, Ariella."

At iniwan na nga niya ako. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagwawalis. Ito ang panghuling lilinisin ko dahil tapos na iyong dalawa. Akalain mo ba naman na pwede palang tatlo lang ang linisin ko? Iyong bagyong iyon feeling boss. Hindi ko alam kung paano niya nagawan ng paraan ang bagay na iyon.

Stolen ChancesWhere stories live. Discover now