SVT MINGHAO IMAGINE 02 (1)

9.8K 78 1
                                    

#1

"Isa pang sunod babatukan na kita" Iritang banta ko kay Hao... Ano na naman bang kailangan ng Kumag na toh at ayaw akong tigilan?

"Hey... Bakit ba umiiwas ka sakin?.. Simula ng umamin ako sayo... Iniiwasan mo na ako"

"Di naman talaga tayo close ah? Feeling ka?" Bara ko sa kanya... Classmate lang naman kami, Magkatabi ng upuan pero di naman kami close... Dahil una sa lahat magkaiba kami ng estado sa buhay... Langit sya amoy lupa ako... Charot Mayaman kasi sya at ako tamang nakakakain lang ng tatlong beses sa isang araw...Pero bukod dun wala na

Nilagpasan ko na sya para makauwi na ako ng bahay... Pero bigla na naman syang humarang sa daraanan ko... Bakit ko ba sya iniiwasan?

Umamin kasi sya sakin na gusto nya ako at yun ang iniiwasan ko sa lahat... Sa dami ng nagkakagusto sa kanya.. Siguradong patay ako sa mga Fans nya... Gwapo naman kasi sya, Mayaman, Miyembro ng isang sikat na Gang dito sa school at Sya ang anak ng may ari ng School na ito... Almost perfect pero bakit ako ang pinagti tripan nya... Tahimik ang buhay ko bakit ba nya ginugulo.. Pero gusto mo naman sya Y/N... Aish.. Pero hindi kami pwede tapos!

"Hey..." He holds my shoulder na agad ko namang tinanggal

"Alam mo nananahimik ang buhay ko so please lang wag mo na akong guluhin"

"Gusto nga kasi kita!" Pagpupumilit nya

"E di thank you dahil gusto mo ako... Uuwi na ako" tapos nilagpasan ko na sya.. Napakakulit

"Liligawan kita" Napahinto naman ako sa sinabi nya at humarap sa kanya... Nababaliw na ba sya?

"Yan ang wag na wag mong gagawin" Banta ko 

"Hmmm... No... It's my final decision... Sa ayaw mo man o sa gusto... Me Xu Minghao Will court Ms.Y/N at wala ng bawian" He wink at me... Inirapan ko sya kasama at agad na tinalikuran...

Magsisimula na yata ang delubyo ng buhay ko!!

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now