Chapter 2

479 13 1
                                    


Bagong umaga nanaman
Tahimik nanaman ang Baryo Ginapang
Simple lamang ang pamumuhay dito kahit na malayo sa Industrialisasyon ay masasabing masagana ang Baryo.

Mayroong masasarap na pagkain gaya nang gulay at ibat ibang prutas.
Mayroong hanapbuhay katulad na lamang nang pagtatanim, pangingisda at iba pa.
Hindi rin naman sila hirap masyado sa mga gawain dahil hindi sila gaya nang ibang Baryo na walang kuryente.

Siguro masasabi nilang maswerte pa rin sila dahil sa marami silang nakakain at trabaho sa Lugar.
Nag tutulungan ang bawat isa sa mga gawain makikitang palagay sila sa isat-isa.

Sa Lugar na ito nakatira ang isang magandang babae. Siya si Reign Angela Mendez pero hindi lang siya basta basta isang babae dahil siya ay may pagkabrusko at higit sa lahat palagi siyang nasasangkot sa gulo.

"REIGNNNNNN" Tawag nang isang ginang sa dalaga. Halatang Inis na Inis ito at Halos makita na ang ugat sa mukha.

"Nanang huwag ka namang sumigaw matatanggal ang tenga ko sayo e." pakamot kamot pa ang dalaga.

"Ikaw na bata ka!!! Kailan ko pa sinabi sayo na pumunta ka sa pamilihan at sabihin kay Aling Rosa na kukuha ka nang isang dosenang bawang para sa tindahan natin." sabay pingot nito kay Reign

"Aray Nanang! Oo na pupunta na nga ako.
bitawan muna ang tenga ko." nang mabitawan ang tenga niya ay nagtatakbo na ito. Tinatawag pa siya nang Nanang niya ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Hawak hawak ni Reign ang kaniyang tenga nang makasalubong niya ang grupo nang sigang si Brando. Kong ibang tao siguro ang nasa kalagayan niya siguradong mag iiba ito nang daan dahil ang grupo ni Brando ay masyadong siga at walang modo pero iba si Reign nagagawa niyang patiklupin ang mga ito.

"My chikababes Reign kamusta kana?" tanong ni Brando sa dalaga na nagpapacute pa.

"ito mabuti naman sana kaso nakita ko yang mukha mo kaya parang sumama ang pakiramdam ko." hinawakan pa nang dalaga ang kaniyang nuo na parang nahihilo

"Ang sakit mo naman magsalita parang wala tayong pinagsamahan ah." sabay akbay ni Brando sa dalaga na ikinatawa naman ng mga kasama nito.

Nag-init ang ulo ni Reign dahil sa ginawa ni Brando feeling niya ay binabastos na talaga siya nang mga ito kaya hindi na siya nagpapigil at pinilipit niya ang braso ni brando na nasa balikat niya kaya naman napahiyaw ito sa sakit. Habang abala si Brando sa paghiyaw at hawak sa sariling braso niya. hinarap ito nang dalaga at sinapak sa mukha.

Tulala ang mga barkada ni brando dahil nakatulog ito sa ginawa nang babae. Napatawa si Reign saka nagtatakbo.

Hinihingal pa si Reign nang makarating sa pamilihan. Nagtaka pa ito dahil napapansin niyang karamihan sa tindahan sa pamilihan ay sarado pa. Napadako ang mata niya sa tindahan ni Aling Rosa lubos ang paggaan nang loob niya nang makitang bukas ito.

"Aling ROSAAAAAAAAAAA?" tawag nang dalaga sa tindera.

"Reign bakit ka naman sumisigaw ha?" tanong nang tindera

"Aling Rosa bakit naman po sarado ang ibang tindahan dito?" Pagtatakang tanong ni Reign

"Ay naku iha. Sabi sabi ngayon na may darating daw na mga bagong salta sa Baryo natin kaya nagsara sila dahil natatakot sila na baka masasama ang ugali nang mga lilipat dito. Alam mo naman nong lumipat din dito sila brando diba? Pinagtataob ang mga paninda at pinagkukuha pa. " mahabang paliwanag ni Along Rosa

" Eh bakit hindi ka nagsara? " tanong nanamang ulit ni Reign

" Kaya nga binabantayan ko dito para kapag andiyan na sila. Hihilain ko lang tong harang ko para magsara." sabi pa nito

" Ay ang wais mo naman pala Aling Rosa" patawa tawa ko pang sabi dito

"Oh bakit nga pala nandito ka?" tanong ulit nito

"Ah eh kukuha po si Nanang nang isang dosenang bawang mamaya nalang po ang bayad pag-uwi ni tatang galing sa pangingisda." agad agad naman kumilos si Aling Rosa.

Napalingon si Reign nang may marinig siyang nagtatawanan sa bungad nang arko nila. Nang mapatingin siya ay namangha pa ito dahil sa dami pala nang mga taong lilipat sa Baryo nila.
Napukaw ang pagkakatitig niya nang magsalitang muli si Aling Rosa.

"Ay jusko andiyan na sila. Pumasok ka sa loob Reign bilisan mo" wala namang nagawa si Reign at agad agad na nagtatakbo papasok nang bahay ni Aling Rosa kahit alam ng dalaga na matapang siya hindi niya maiwasang may maramdamang  kaba nang makita ang mga taong lilipat sa Baryo nila.

Agad agad na isinara ni Aling Rosa ang tindahan. Rinig na Rinig namin ang mga yabag nang mga tao sa labas.
Sumilip ako sa maliit na butas ganon nalang ang pagkabigla ko nang makita kong Huminto ang isang lalaki at tila nakatingin sa butas kong saan ako sumisilip dahil sa takot ko ay napabalikwas ako at umalis sa pinagsisilipan ko.
Nang makalipas ang ilang minuto ay muling nagsalita si Aling Rosa.

"Iha dito ka nalang kaya muna sa bahay ko." kinakabahan pang turan ni Aling Rosa

"Ay naku po. Hindi na po. Aalis na rin po ako. Bukas ko nalang po babayaran itong mga bawang." paalam pa ni Reign sa ginang. Natatakot man ang dalaga pero pilit niya itong nilalabanan dahil hindi niya pwedeng Iwan ang Nanang niya at tatlo niya pang mga kapatid sa kanilang bahay.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now