CHAPTER 25

116 9 0
                                    


REIGN POV

Naalimpungatan ako sa aking pagtulog dahil sa pag gising nang aking nanang.

"Reign?" Pag yugyog pa nito sa akin. Napatingin ako sa butas nang aming kubo at nakita kong gabi pa naman pala.

"Bakit po nanang?" sabay kusot kusot pa nang aking mga mata.

"Reign hindi pa umuuwi ang tatang mo kaya bantayan mo muna ang kapatid mo sa kabilang kwarto at ako'y lalabas upang sunduin siya" sabi nito sa akin sabay suot nang isang jacket.

"Nanang ako na po ang lalabas at maghahanap kay tatang" sabay tayo ko at naghilamos upang mahimasmasan.

"Sigurado kaba anak? Delikado na dahil gabing gabi na. "

"Nanang naman. Magtiwala kalang po sa akin Mahahanap ko po si Tatang at sabay po kaming makakauwi dito." ngiti ko sa kaniya sabay yakap
Akmang aalis na ako nang pigilan ako ni nanang

"Dalhin mo ito. Huwag mong Ilalayo sa inyo nang tatay mo. Nagkalat ang balitang may aswang sa Lugar natin kaya mag-iingat kayo." sabi nito na may pag-aalala. Tinanggap ko ang isang plastik na punong puno nang asin.

Inayos ko ang suot kong jacket dahil sobrang lamig na dito sa labas. Napakatahimik ng Lugar nakarating na ako sa pamilihan nang makaaninag ako ng isang bulto na naglalakad habang pasuray suray.

Napatago agad ako sa puno dahil sa takot ko na baka ito ang aswang na pagala gala sa Baryo. Inaaninag kong mabuti kong ano ang bultong aking nakita. Nang papalapit ito sa akin ay agad kong nakita ang aking tatang na halatang nakainom pa.

"Tatang pinakaba niyo kami ni nanang. Uminom lang po pala kayo kaya hindi kayo nakauwi agad" sermon ko kay tatang habang inaalalayan siya

"Anak kukunin kana nila sa amin. Wag kanang sumama anak." sabi pa nito na halatang lasing na lasing na. Nagtaka naman ako sa sinabi niya dahil sino naman ang kukuha sa akin.

"Tatang talaga. Lasing kana po kaya kong ano ano na ang naiisip mo. Halika na uuwi na tayo dahil Nag-aalala na si nanang sayo." Inilagay ko sa bag niya ang plastik nang asin na ibibigay no nanang at inalalayan ko na siyang maglakad kahit na medyo mabigat.

Malayo layo pa ang aming lalakarin para makarating sa bahay nang may itim na malaking Ibon ang nakita Kong papalapit sa amin. Nataranta naman ako dahil pasugod ito sa amin kaya naitulak ko si tatang para hindi kami madagit nang Ibon.

Nang mawala ang Ibon ay nilapitan ko agad si tatang ngunit tuluyan na itong nakatulog. Hindi ko na ito mabuhat dahil na rin sa mas lalo itong bumigat. Humanap agad ako nang kahoy na maaari kong maipanlaban kong sakaling bumalik ang malaking Ibon.

Hindi nga ako nagkamali at pasugod nanaman ito sa kinaroroonan ko. Agad agad ko itong hinampas ngunit mabilis itong nakailag. Nagtatakbo ako palayo sa aking tatang dahil baka ito ang puntiryahin niya Kong makita niya itong walang malay.

Huminto ako sa isang mapunong Lugar at ipinosisyon ang aking mga  kamay na may hawak na kahoy.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" nasabi ko dahil pakiramdam kong may nagmamasid sa akin
Agad ko naman nakita ang itim na malaking Ibon at Nagulat ako nang maging anyong tao ito.

"Aswang ka?" nanginginig kong tanong

"Oh bakit natatakot ka? Matapang ka diba?" sabay ngisi nito

Agad niya akong sinakal. Kitang kita ko ang mga pangil niya na lumalabas sa kaniyang bibig. Naalala ko ang lalaking ito ang nangunguna sa mga bagong lipat dito sa Baryo at ito ang lalaking muntik na akong hawakan noong magkita kami. Isa pala itong aswang.

Bigla niya akong itinapon nang walang kabigat bigat

"Ahhhhhhh" sigaw ko nalang. Naramdaman kong sumakit ang katawan ko sa ginawa niya.

"Walang kwentang mga tao! Dapat lahat kayo ay mamatay" sabay sugod nito sa akin at kinalmot ang aking braso. Nagkasugat naman ito dahil sa ginawa niya. Akmang dudukutin na niya ang aking puso nang makita ko siyang tumalsik.

Kitang kita ko ang galit na galit na mukha ni Charles. Nakita ko ring iba ang itsura niya ngayon. Ito ay may pangil at nanlilisik na mga mata.

"Tigilan muna ito Uncle Menandro" sabi ni Charles na walang makikitang emosyon

"KINAKALABAN MO AKO DAHIL SA KANIYA HA? NAKAKALIMUTAN MO NA BANG DAHIL SA KANIYA NAMATAY ANG NAG IISA KONG ANAK!!!" galit na galit na sigaw nito sabay sugod kay Charles

Agad namang tumalsik si Charles. Nagkaroon nang labanan sa pagitan nilang dalawa.

"Walang hiya ka! Walang kwenta katulad nang iyong ama" rinig ko pang sabi ng lalaking sumugod sa akin

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon