Chapter 9

197 10 2
                                    


REIGN POV

Nagising ako sa sikat nang araw na tumama sa aking mukha. Napatingin ako kisame. Nataranta ako dahil nasa ibang bahay ako. Nakita ko sa tabi ko si Charles na mahimbing ang tulog. Natandaan ko kagabi wala siya dito sa kwarto at may mga Narinig akong mga alulong at nakita ko sa isang kwarto ang isang ASWANG!

Agad agad kong ginising si Charles upang sabihin ang nakita ko kagabi upang mabalaan ko siya na may aswang sa bahay nila.

"Charles Charles? Gumising ka bilis" sinasabi ko dito habang niyuyogyog siya. Nagising naman si Charles na pupungas pungas pa.

"Reign naman. Masakit pa ang ulo ko. Bakit muko niyuyogyog?" halatang naistorbo siya sa pagtulog dahil na rin sa tinig nitong parang nairita pa.

"Charles kagabi habang wala ka nakakita ako nang aswang dito sa bahay niyo. Maniwala ka sakin." May pag aalala ko pang sabi sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Naiintindihan ko siya dahil maski ako ay Nagulat din sa nakita ko kagabi.

"Reign panaginip mo lang ang lahat. Pagkarating na Pagkarating ko kagabi ay tulog na tulog ka. Tumayo kana diyan at hihahatid na kita sa bahay niyo dahil alam kong nag aalala na ang mga magulang mo" ang sabi pa nito sa akin.

Umalis na ako sa pagkakaupo sa kama at pupunta na sana ako sa cr nang makita ko ang kwarto na nakita ko rin kagabi hindi na ako nag dalawang isip na Buksan ito pero laking pagkadismaya ko na nakasara ang pinto.

Napatitig ako dito at napasambit nalang nang iilang kataga.

"Hindi man sila maniwala sa akin. Papatunayan kong totoo ang nakita ko hindi ako naniniwalang panaginip ko lang ang lahat nang iyon. Aalamin ko ang totoo"

Pagkatapos non ay naghilamos na ako at nagpahatid na kay Charles sa aming bahay. Sinabi ko pa ngang hindi na niya dapat ako ihatid dahil malapit lang ang sa amin pero hindi niya ako pinakinggan bagkos binigay niya ulit sa akin ang isang boteng langis at pinapahid sa katawan ko at tuluyan na kaming pumunta sa aming bahay.

Nagtaka pa ako nang makita namin si Nanang sa labas. Hindi manlang ito nag tanong komg sino ang kasama ko at hindi rin nagalit sa akin dahil hindi ako umuwi kagabi.

Pumasok ako agad sa kwarto at inalala ang mga nangyaring kakaiba sa akin.
Una nakakita ako nang aswang sa bahay nila Charles.

Pangalawa bakit lagi akong binigyan ni Charles nang isang langis at pinapapahid sa katawan ko.

Pangatlo ganoon nalang ang pagtataka ko dahil wala manlang tao kaming nakasalubong kanina sa Lugar ni Charles kahit tanghali na.

Hays lalamunin ako nang kuryusidad kailangan ko malaman kong ano ba ang sekreto ni Charles at nang mga bagong salta dito sa Baryo Ginapang.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now