Chapter 38

111 9 0
                                    


CHARLES POV

Natigil ang aking pag iisip at nag handa na para sa mangyayaring digmaan. Ibinigay ko na din ang mga telang inabot sa akin ni Reign inutos kong ilagay nila ito sa kanilang pulsuhan upang pag aalala na dapat nilang manalo para sa aming angkan at para na rin sa mga tao.

Pumunta na kami sa burol kong saan gaganapin ang digmaan. Dito namin pinili upang hindi madamay ang mga tao. Pumasok kami sa isang gusali na inabandona na. Doon kami nag aantay nang aming mga kalaban.

Nang marinig namin ang mga yabag nang mga ito ay nagsitayo kaming lahat. Nang makita namin sila ay Nagulat kami dahil mas dumoble ang bilang nila.

"Anak? Ano man ang mangyari sa araw na ito. Gusto kong sabihing wala kaming hinagad nang ina mo kundi ang kabutihan niyo. Hindi ko alam na mangyayari ang ganito." sabi niya na may mahinang tinig.

"Ama. Huwag po kayong mag alala magiging maayos ang lahat sa atin. Mananalo tayo sa digmaang ito"  turan ko nalang dito para hindi na siya malungkot

Bumaba na kami upang harapin silang lahat.

"Kapatid? Hindi ko aakalaing aabot tayo dito. Akala ko hindi muko kakalabanin?" sabi pa ni Menandro sa aking ama

"Hindi sana tayo aabot dito kong hinayaan mo na ang mga tao sa Baryo Ginapang hindi sila ang may kasalanan sayo Menandro" mariing sabi ni ama

"Tao pa rin sila" masamang titig nito sa aking ama

"SUGOD MGA KAANGKAN. PATAYIN ANG KABILANG KAMPO NA PILIT PINAGTATANGGOL ANG MGA TAO." malakas pang sigaw nito na may halong galit

Wala na kaming nagawa kundi sumugot sa kanila.

"ARK! Ark!" ang mga ungol ng karamihan sa amin

Nakita Kong marami sa mga angkan namin ang natatalo dahil hindi naming Inakala na mas lumago pa ang bilang nila.

Hinanap ko ang aking ama na nakikipaglaban kay Menandro.

Abala kaming kumakalaban kay tito Menandro. Kitang kita na pagod na pagod na ito at nauubusan na nang lakas. Sumaya ang aking kaluoban dahil alam kong magwawagi kami dahil nanghihina na si tito Menandro ang leader ng isang angkan na gustong patayin ang mga tao. Maya maya lang ay naramdaman Kong may matigas na bagay na bumaon sa aking dibdib. may sumaksak sa likod ko na tumagos sa dibdib ko agad akong natumba nang hinila niya ang espadang nakabaon sa dibdib ko.

"Charlesss?" sigaw nang ama ko. Agad kong nakita ang sumaksak sa akin at hindi ko inakalang siya ang mag tatraydor sa amin.

"Vic-toria?" mahinang busal ko sa kaniyang pangalan

"Kong kong mi-nahal mo lang sana ako Charles. Hindi na sana umabot sa ganito. Kong ako ang pinili mo edie sana masaya tayong dalawa. Kung hindi ka mapupunta sa akin. MAS MAGANDANG MAMATAY KA NALANG!" madiing sabi nito.

Kong normal lang akong tao siguradong patay na ako. Pero dahil aswang ako ay unti unting bumabalatay ang sakit sa aking dibdib. Alam Kong maya maya lang ay tuluyan na akong malalagutan nang hininga. Nakita kong itinaas ni Victoria ang espada at akmang sasaksakin nanaman ako nang may biglang sumigaw na nagpatigil dito.

"CHARLLLLLLLEEEESSSS!" tawag sa pangalan ko nang isang tinig. Alam Kong si Reign yon. Dahan dahan akong tumingin sa Lugar kong saan may tumawag sa akin. Hindi nga ako nagkamali. Kitang kita ko si Reign na umiiyak.

"Ma-hal kong Reign" mahinang sambit ko na alam kong hindi niya narinig.

"LAHAT KAYO! PATAYIN AT SABUYAN NANG ASIN YANG MGA ASWANG NA WALANG PUTING TELA!!!!!!!" sigaw nito na ikinagulat ko. Dahil kitang kita ang galit sa mga mukha nito.

Agad agad namang sumugod ang mga tao sa mga aswang na walang puting tela sa pulsuhan. Natawa pa ako nang bahagya sa isipan ko dahil plinano pala nila to. Iba talagang mag isip si Reign ko.

"WALANGHIYA KANG BABAE KA!!! ANONG GINAWA MO KAY CHARLESSS!!!" sigaw ni Reign na ikinatakot ni Victoria. Tinapon nito ang hawak na espada at nagtatakbo.

Hinabol naman ito ni Reign at sinabuyan nang asin. Kitang kita ang galit sa mukha nito habang sinasaboy kay Victoria ang asin.

" DISPERADA KA!! HINDI KA NGA MAHAL NI CHARLES TAPOS PINAPIPILITAN MO. ITO ANG BAGAY SAYO" dahil sa galit at mga asing sinaboy nito kay Victoria ay tuluyan na itong naging bato.

Hindi naman napansin ni Reign na papalapit na pala sa kaniya si Menandro. Agad agad siya nitong sinakal kaya nahulog ang asin na dala dala niya.

Hindi pa doon natapos ang lahat. Binuhat nito si Reign at Tinapon Papunta sa tabi ko. Kitang kita ko ang mga galos na tinamo ni Reign habang nakahiga na rin siya sa tabi ko.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now