Chapter 21

128 10 1
                                    


REIGN POV

Nagsigawan ang mga taong mas dumami pa kaysa kanina. Nakita ko si Aling Loring na natatakot dahil sa nangyayari.

"MANGKUKULAM YAN!"
"ASWANG SIYA!"
"SIYA ANG PUMAPATAY SA BARYO NATIN!"
"PATAYIN NATIN SIYA!"
iilan lamang yan sa mga sigawang naririnig ko sa mga tao dito na gustong saktan ang matanda

"TUMIGIL KAYO!!" Isang nakakapangilabot na sigaw ni Charles na nagpatigil sa mga taong gustong kuyugin si Aling Loring

"Pasensya na kong napalakas ang boses ko hindi ko ito sinasadya. Hindi tama ang mambintang tayo na wala tayong sapat na ebidensiya kapag nasaktan ba natin ang matandang ito at makakasiguro kayong matitigil na ang Patayan sa Baryo Ginapang? Paano kong hindi. Edie nakapatay pa kayo nang inosenteng tao. " mahinahon pang paliwanag ni Charles na naging dahilan nang paghingi nila nang tawad sa matanda at sa amin ni Charles.

" Maraming salamat sa iyo iha kong wala ka ay kanina pa ako lasog lasog bago dumating ang lalaki ng ito" paghingi nang pa salamat nang matanda

"Maraming salamat din sa iyo iho. Alam Kong katulad ka rin nang anyo nila pero masasabi Kong napakabuti mo. Dahil sayo magtatapos ang kalbaryo nang Baryo Ginapang." sabay paalam nang matanda kay Charles at sa akin

Naiwan kami ni Charles na nakatingin lang sa matanda. Nang hindi kona ito matanaw ay aalis na sana ako nang pigilan ako ni Charles

" Sandali Reign. Gusto ko lang sanang humingi nang tawad sa lahat lahat nang nagawa ko kagabi sana magsimula ulit tayo bilang magkaibigan." lahad nito nang kamay sa akin

"o sige na nga. Maraming salamat sa pag dating mo kanina. Simula ngayon magkaibigan na tayo. Ako nga pala si Reign Angela Mendez ang pilya, astig at bruskong babae nang Baryo Ginapang" sabay pose ko pa na parang may muscle

"ikinagagalak kitang makilala Reign. Ako naman si Charles Joseph Garcia ang sidekick mo at bagong Lipat dito sa Baryo Ginapang" sabay hagalpak namin nang tawa. Hindi ko maikakailang nakakatawa rin pala itong lalaking to akala ko kasi ay puro kaseryosohan lang ang ginagawa niya sa buhay.

"Anong sidekick ka diyan nababaliw kana Ata" sabay akbay ko pa dito na parang magtropa

"Ah eh kasi lagi na akong nasa tabi mo para samahan ka sa lahat nang adventure" nauutal pang sabi nito

"Haha verygood. Dahil diyan samahan mo ako sa una nating adventure na mag kasama." sabay malapad kong ngiti sa kanya.

"Ha? Ano naman yon?" takang tanong niya na ikinatawa ko dahil mukha siyang takang takang bata.

"Ang adventure natin ngayon ay magbenta nang mga damit" sabi ko pa dito na tatawa tawa nakita ko pang napakamot siya dahil akala niyang adventure ay ang mapapaaway kami.

Hinarap ko si Luigi na dapat ay tutulong sa amin ngayon sa pagbebenta ngunit wala siya. Sobrang dami pa namang tao dahil pinagkakaguluhan SI Charles nang mga babaeng mamimili.

Sobrang saya ko sa araw na ito dahil napaubos namin ang paninda ni Charles kaya malaki laki ang kita namin. Habang naglalakad kami pauwi nang bahay ay nakasalubong namin si Luigi.

"HOY KUPAL KA SAAN KA GALING HA? NAWALA KANG BIGLA HINDI MUKO TINULUNGANG MAGTINDA MABUTI NALANG NANDITO SI CHARLES!!" sigaw ko sa kanya habang sinasabunutan

"Sorry na Reign may ginawa lang naman akong importante e." paghingi nito nang paumanhin kitang kita ko rin ang pag iwas niya nang tingin kay Charles kaya naman nakaisip ako nang paraan upang bumawi.

"Charles ito nga pala si Luigi kaibigan Kong may salitik." tumingin si Charles kay Luigi na nanlalaki ang mata dahil sa ginawa ko.

"Hi. Ako nga pala si Charles kapatid ko si Leonora" lahad nang kamay ni Charles sa harapan ni Luigi na mukhang natatae sa takot kaya tinadyakan ko siya para bumalik sa katinuan.

"Aray Reign ang sakit!" sabi pa nito na namimilipit sa sakit na ikinatawa ko. Nararamdaman kong takot ito kay Charles dahil kahit hindi niya aminin ay crush nito si Leonora.

"Hindi ka kasi sumasagot nag aantay kaya si Charles" pang aasar na sabi ko sa kanya.

"H-hi d-in a-ko si Luigi Casa kaibi-gan a-ko ni Reign" kimakabahan pa nitong sabi na napalakas sa tawa ko

"HAHAHA KUPAL KA! MARUNONG KA RIN PALANG MAHIYA HAHAHA" malakas na tawa ko. Natigil ako sa pag tawa nang makitang magtatakbo na si Luigi paalis hanip talaga ang lalaking iyon.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin