Chapter 18

133 10 1
                                    


LUIGI POV

Pagkarating na Pagkarating namin sa bahay nila Reign ay agad agad kaming nagkatuwaan. Makalipas ang mga oras ay may pumasok na isang lalaki sa bahay nila Reign. Nagulat ako dahil bigla nitong hinila si Leonora rinig na rinig ko ang galit na tono nang kuya ni Leonora dahil sa takot ay Huminto muna ako sa pintuan.

"Leonora alam mong papagabi na diba? Gusto mo bang mapaano ka dito ha? Mahigpit na ipinagbabawal ni Ama na hindi pwedeng umabot tayo nang gabi sa labas dahil tayo lang rin ang mapapahamak." Inis na sabi ng kuya ni Leonora sa kanya. Lumabas na ako nang pinto kasama si Reign upang mag paliwanag dahil ayukong masisi si Leonora kahit wala itong kasalanan.

" Hindi po kasalanan ni Leonora ako po ang nagdala sa kanya rito. Humihingi po ako nang pasensya dahil hindi namin namalayan ang oras. Ihahatid ko naman sana siya e." paghingi ko nang pasensya dito

Parang Huminto ang tibok nang puso ko sa mga sumunod na salitang binitawan nang kuya niya.

"Simula ngayon layuan mo ang kapatid ko. Ayukong lumapit lapit ka sa kanya." hindi pa man ako nagsasalita ay hinila na ito papalayo sa akin.

Tinitigan ko ang dalawang bulto na papaalis bigla naman akong inaya ni Reign sa loob.

"Oh ano kupal? Tinamaan ka kay Leonora no?" sabay tawa pa nito sa akin. Akala mo naman hindi ko Best friend tong babaeng to makatawa sa akin wagas na wagas e.

"manahimik ka nga diyan" busangot ko pang sabi sa kaniya

"Alam mo Kupal kilala kita. Hindi ka nagpapasuntok at tagapagtanggol nang naapi. Takot na takot ka kaya sa bugbugan tapos malaman laman ko niligtas mo si Leonora. Iba ka talaga tinamaan ka nga.

" Satingin mo talaga Reign? " tanong ko pa dito dahil kahit ako ay hindi makapaniwala sa sarili ko.

"Oo kaya sana kausapin mo Yong kuya. Nakikita kong mahihirapan ka kay Charles HAHAHAHA." sabay tawa nanaman nito.

Hindi ko itatanggi nakakatakot naman talaga ang Kuya ni Leonora e. Makikita ko palang parang protektadong protektado niya talaga ang kapatid niya. Sigurado na ako ngayon. mahihirapan ako sa una kong Pag-ibig Hays.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon