Chapter 10

199 10 0
                                    


CHARLES POV

Matapos kong maihatid si Reign sa kanilang bahay ay bumalik ako sa aming bahay dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dahil na rin sa puyat at pagod ko kagabi. Bilog kasi ang buwan kagabi kaya sobra sobra ang pagpipigil ko kagabi dahil kong hindi ko ito mapigilan siguradong makakapatay ako nang ibang tao dito sa Baryo.

Ilang sandali palang akong nakakatulog nang pumasok ang aking kapatid na si Leonora at sabihin sa akin na ipinanatawag ako nang aking ama. Kinabahan pa ako dahil baka nalaman nitong nag punta si Reign sa aming bahay at nagpalipas nang gabi.

Pagkarating ko sa kwarto nito ay agad agad itong nagsalita parang galit na galit.
"MAY LUMABAG SA UTOS KO!" Mas lalo akong Kinabahan sa itinuran nang aking ama. Ako ba ang tinutukoy nito?

"pumunta ako sa pamilihan kanina at kitang kita nang dalawang mata ko ang dalawang lalaki na nakahandusay sa lapag at wakwak ang kanilang mga tiyan at wala na itong mga lamang loob." nag iigting ang bagang nitong sa galit

"Ama huwag naman sana nating pagdudahan ang ating mga kalahi." singit naman ni Leonora

"Gustohin ko mang hindi maghinala pero sino pa ba ang Gagawa nang ganitong bagay ha? Hindi pwedeng lumipat nanaman tayo nang ibang lugar dahil nanaman sa isang pagkakamali" ang tinutukoy ni ama ay ang nangyari sa dati naming tinitirhan na kong saan ang isa pang pangkat nang mga aswang na pinamumunuan ni Uncle menandro ay kumakain nang tao. Isang gabi may nakakita dito kaya naman pinaglulusob kami nang taong bayan. Marami sa pangkat namin ang nadamay dahil na rin sa kagagawan nila kaya kami naglilipat lipat ngayon nang tinitirhan dahil sinusundan nila kami.

Napag-usapan na lamang namin na tuwing gabi ay mahigpit na ipinagbabawal ang lumabas dahil kong sino man ang lumabag ay siguradong papatayin. May tiwala naman ako sa aking mga nasasakupan na hindi nila susuwayin ang utos dahil hanggang ngayon naniniwala pa rin akong hindi isa sa amin ang pumatay sa dalawang lalaking iyon.

Lumabas na ako sa kwarto nang aking ama upang pumunta sa pamilihan upang mag imbistiga.

"Charlessssss?"  biglang tawag sa akin nang isang tinig na ikinalingon ko.

"Ano iyon victoria?" magalang na tanong ko dito. Mula pagkabata ay mag kasama na kaming dalawa at naging matalik na magkaibigan kaso nasira lang ang pagkakaibigan namin nang mag tapat siya mismo nang pag-ibig sa akin na matindi kong tinutulan dahil alam ko sa sarili kong kaibigan lang ang turing ko sa kanya.

"maaari mo ba akong samahan sa pamilihan hindi kopa kasi kabisado ang daan baka maligaw ako." dahil na rin sa Papunta naman talaga ako sa pamilihan kaya naman isinabay ko na lamang siya.

Nang makarating kami doon kitang kita ko bahagyang umunti ang tao siguro dahil na rin ito sa nangyari kagabi na pagpatay sa dalawang lalaki. Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko si Reign na nakikipagtawanan sa grupo nang mga lalaki lalapitan ko na sana nang bigla along hilain ni Victoria.

"Charles halika dito samahan mukong pumili nang mga bagong damit." wala naman akong magawa dahil paborito niya talaga ang bumili nang bumili nang damit nagpatianod nalang ako sa kanya hanggang makarating kami malapit sa pwesto ni Reign na abala pa rin sa pakikipagkwentuhan.

Dahil sa likas naman sa amin ang malakas ang pandinig kahit medyo malayo at mahina ang usapan ay talagang maririnig namin ito. kaya naman hindi ko na pinalampas na makinig sa kanilang pinag-uusapan.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now