Chapter 22

122 9 0
                                    


REIGN POV

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad napapansin kong malapit nang mag gabi kaya binilisan ko na nang kunti.

Nang maghihiwalay na kami nang daan ni Charles ay agad akong Huminto at humarap sa kanya. Kinuha ko ang pera sa bulsa ko at hinati ito at ibinigay kay Charles ang Kalahati.

"Bakit mo ibinibigay sa akin ito Reign?" takang takang tanong niya.

"Malamang dalawa tayo ang nag pagod sa perang yan kaya dapat lang na maghati tayo sa sweldo" sabi ko pa dito habang nakangiti

"Sayo na ito. Sa iyo lang naman talaga dapat ang kinita natin ngayon Tinulungan lang kita." palusot pa nito. Sabay bigay sa akin ng pera.

"Alam mo Charles kong wala ka kanina hindi natin mapapaubos ang paninda ngayon. Tingnan mo ang laki nang kinita ko dahil sayo kaya maraming maraming salamat sayo Charles" sabay yakap ko dito dahil sa sobrang tuwa. Napansin ko namang hindi kumikibo si Charles kaya napabitiw na ako sa kaniya

"Oy anong nangyari sayo?" tanong ko dito dahil nakatulala lang siya.

"Ah eh wala wala. Uwi kana dahil malapit na talagang madilim" agad agad itong tumalikod kaya naman ako na mismo ang pumunta sa harapan niya upang magharap kami.
Nakita ko ang pamumula niya. Nagtaka naman ako dahil pulang pula talaga ang mukha niya. Isiniksik ko nalang ang pera sa kamay niya at muling nagsalita.

"Tanggapin mo na yang pera Charles. Parehas tayong nagtrabaho at na pagod para lang mabayaran kaya sana Tanggapin mo na yan atsaka pagkauwi mo uminom ka agad nang gamot namumula ka kasi e. May sakit kaba?" sabay hawak ko sa kanyang nuo

"Hindi ka naman mainit pero namumula ka talaga kaya inuman mo yan nang gamot kapag may nararamdaman kanang kakaiba. Pasensya kana na pagod ka siguro dahil sa ginawa natin kaninang pagbebenta. Mag pahinga kana ah. Ingat ka." sabay kaway ko pa dito.

Nag lakad na ako papauwi. Nakarating na pala ako sa bahay namin nang hindi ko namamalayan dahil na rin sa iniisip ko Kong ano ba talaga ang nangyari kay Charles.

Nakahiga na ako sa aking kama at iniisip pa rin kong bakit nagkaganoon ang itsura ni Charles pulang pula ito. Napagod nga siguro ito sa pagbebenta kanina. Bahagya pa akong nalungkot dahil sigurado akong bukas hindi ko na siya makakasama sa pagbebenta.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now