Chapter 6

263 10 1
                                    


REIGN POV

Naglalakad na ako pauwi nang makita ko ang mga bagong lipat sa kabilang street na may tangay tangay na sampung baboy ramo at 3 baka. Nagulat pa ako nang makitang tila nakapila ang mga hayop na parang tinuruang sumunod nang mabuti dahil sa kuryusidad sinundan ko ito nang palihim.

Napakarami pala nilang nandirito sa Baryo namin mga nasa limampung pamilya ang mga naririto tiningnan ko ang relo kong dala dahil napansin kong dumidilim na pala. Kaya naman pala dahil pasado ala sais na nang gabi. Nagdesisyon na akong umuwi nang may humila sa buhok ko na ikinasigaw ko naman.

"AAHHHHHHHHH" natigil ang pagsigaw ko nang may tumakip sa bibig ko. Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang isang dalaga na kong saan bahagya pang nagulat pero napalitan din nang ngisi.

"Bakit ka naririto?" matalim ang titig niyang nakatingin sa akin.

"ah eh. Namamasyal lang hehehe" sabay tawa ko pa.

"Sinungaling. Huwag kanang mag sinungaling pa sa akin Ate Reign" Nagulat pa ako nang banggitin niya ang pangalan ko

"Kilala muko?" gulat ko pang tanong sa kanya pero imbis na sagutin ako ay binigyan niya ako nang isang babala na hindi ko lubos maintindihan.

"Sa ngayo'y hindi mopa maalala pero tadhana ang pilit na nagpapasiya. Lumayo ka muna sa Lugar na ito upang sa dulo'y hindi ulit kayo mabigo." makahulugan pang sabi nito.

"Leonora, anong ginagawa mo sa kanya?" tanong nang isang baritong tono.

"Wala akong ginagawa sa kanya mahal Kong kapatid. Sa katunayan niligtas ko pa nga siya sa nagbabadya sa kaniyang panganib." katwiran ni Leonora

"Maraming salamat." sabi niya pa dito na ikinatango nalang ni Leonora. Humarap naman sa akin si Charles at pinakatitigang mabuti.

"bakit ka naririto Reign?" may diin pa sa kaniyang mga salita

"ah eh hehehe. Namamasyal lang ako" sabi ko pa ulit tatawa tawa. Nakita ko naman si Leonora na pinipigilan ang tawa kaya naman siniko ko siya.

"Sumunod ka sakin. Bilis bilisan mo ang paglalakad dahil baka may makakita sayo" sabay alis nito kaya naman sinundan ko siya. Hinihingal na ako sa pagsunod sa kanya dahil ang bilis niyang mag lakad kaya naman Napahinto na ako dahil hindi ko na kaya. Nagulat naman ako nang bigla niya akong buhatin na parang ikakasal gusto ko mang magpumiglas ay hinayaan ko na dahil na rin sa pagod naman na akong maglakad.

Nakarating kami sa isang magandang kwarto na parang sinauna. Napahanga ako sa ayos nang kwartong ito dahil ngayon lang ako nakakita nang ganitong mga desinyo.

"Mamaya muna tingnan ang paligid. Gusto kong ipahid mo ang langis na ito sa iyong katawan lagyan mo rin ang iyong mukha kong Maari" sabi nito at akmang lalabas na sa kwarto

"Teka Teka! Gusto ko nang umuwi. Uuwi na ako sa amin dahil Hinahanap na ako nila Nanang at tatang atsaka bakit ko ipapahid to sa katawan ko? Lotion ba to ha?" naiinis kong sabi dito

"sasabihin ko mamaya sa Nanang at tatang mo na dito ka muna matutulog hindi kana pwedeng lumabas dahil gabi na mapapahamak kalang sa labas. Ipahid mo yan sa katawan mo Kong ayaw mong mamatay at magkagutay gutay." seryoso ng sabi nito kahit na gulong gulo ako sa mga sinabi niya sinunod ko pa rin ito.

Umalis na siya sa kwarto at binilinan niya akong huwag na huwag na lalabas. Pumunta na ako sa sa Cr upang ipahid tong ibinigay niya. Malamig naman pala sa pakiramdam kaya naman maganda rin pala itong gamitin paglabas na pagkalabas ko sa Cr ay naupo ako sa kama niya. Maya maya lang ay may kumakatok hindi ko alam kong pagbubuksan ko o hindi. Sa huli minabuti ko nalang na hindi buksan dahil alam kong hindi ito si Charles o kaya si Leonora.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now