Chapter 5

269 11 0
                                    


CHARLES POV

Gumising ako nang Maaga upang sumama sa aking ama na pumunta sa pamilihan upang tumulong sa mga tao na naroroon. Lubos kong hinahangaan ang aking ama sa pagiging matulungin at masigasig kaya naman maraming humahanga sa kanya.

Habang nasa pamilihan kami ay kitang kita ko ang mga kamag-anak namin na nahikayat ni ama na tumulong rin. Ilang sandali lang ay dumating si Reign ang babaeng matagal tagal ko nang Hinahanap. Nakita Kong hinarang siya nang mga kalalakihan lalapit na sana ako nang pigilan ako nang aking ama dahil alam niyang mapapahamak at malalaman nang mga taga Baryo Ginapang ang totoong anyo nila kong makikisali siya sa away. Pinigilan ko ang aking sarili at nakinig nalang sa kanilang usapan nakita ko rin kong paano itulak nang isang lalaki si Aling Rosa na naging sanhi nang pagkatumba nito sa Lupa.

Nanahimik ang lahat nang magsimulang suntukin ni Reign ang isang lalaki na naging sanhi nang pagtumba at pagkawala nang malay nito. Hindi ko maikakailang humanga ako dahil nananatili parin sa kanya taglay niyang galing sa pakikipaglaban. Nag tawanan pa ang lahat nang makitang Tumakbo ang dalawang lalaki na siyang leader nang grupo.

Umalis na ako at pumunta sa tindahan nila Aling Rosa. Nakita ko kasing nanghihina pa ito gawa nang pagkatulak sa kanya kaya naman nagpresinta pa akong magbantay nang tindahan niya. Nagtiwala naman agad ang matanda sa akin na hindi ko na ipinagtaka dahil na rin siguro sa kakayahan kong tinatago.

Bumilis nanaman ang tibok nang puso ko nang makita ko siya sa labas nang tindahan tinatanong nito sa akin kong nasaan si Aling Rosa hindi ko naman nasagot ang tanong niya dahil naunahan ko na nang pagsesermon dahil sa nangyaring gulo kanina. Umalis siya sa harapan nang tindahan at tuluyang pumasok sa loob at kinausap si Aling Rosa.

Inaabangan ko naman ang mulling pagdaan niya Ngunit pumunta si Marina sa pwesto ko at kinausap pa ako tungkol sa kanilang baryo Napukaw lang ang atensiyon ko nang makita kong dumaan na si Reign at padabog pa itong maglakad at isara ang pinto.

"Anong nangyari don?" tanong pa sa akin ni Marina
Hindi nalang ako sumagot at lumabas na sa tindahan dahil naroroon na rin naman si Marina para magbantay. Hinanap ko pa siya sa paligid pero hindi ko na siya nakita kaya Hinanap ko nalang si ama para yayain na itong umuwi dahil mag gagabi na.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now