Chapter 3

325 11 0
                                    


REIGN POV

Hawak hawak ko ang bawang habang ako ay Naglalakad nang mabilis. Palinga-linga ako sa paligid baka kasi makasalubong kopa ang mga bagong lipat dito sa Baryo Ginapang.

Kailangan kong makauwi ngayon dahil na rin sa Nag-aalala ako sa kalagayan nila Nanang at nang mga kapatid ko. Kilala ako bilang isang matapang na babae dito sa Baryo pero nang makita ko sila ay mayroon akong ibang maramdamang kakaiba.

Nang malapit na ako sa bahay. Naaninag ko ang isang lalaki na nakatayo lamang sa street namin kitang kita ko kong gaano niya ako titigan. Nilampasan ko nalang siya dahil sa takot.

Pero Napahinto ako nang magsalita siya at titig na titig sa akin kaya umiwas ako nang tingin sa kanya.
"Andito kalang pala." bahagya pa akong napatigil pero hindi ko nalang ito pinansin at tuluyan nang umalis.

Nakarating ako sa bahay. Rinig na Rinig ko ang pag sigaw ni Nanang sa mga kapatid kong makukulit. Nalaman ko rin sa kanya na nasa kabilang Street ang mga bagong lipat kaya siguro naroroon ang lalaking iyon.

Dumating si tatang na maraming mga dalang prutas madalas kasi siyang makipagpalitan nang paninda. Ang mga isda niya ay kapalit nang mga gulay o kaya naman mga prutas.

"Reng reng oh ito pera pambayad mo sa utang natin kay Aling Rosa." sabay abot nang pera sa akin

"Tatang naman. Bakit Reng reng? Hindi na ako bata e." Reng reng kasi ang tawag ni tatang sa akin mula pagkabata ko kaya siguro nakasanayan na niya. Hindi sumagot si tatang kundi tinawanan lang ako.

Kumain na kaming magkakasama. Masaya ako sa ganitong buhay kahit hindi ganoon kayaman basta kami ay magkakasama.
Si tatang ay isang mangingisda syempre bukod don nagtitinda din siya nang mga ito minsan naman siya ay nagtatanim. Napakasipag talaga nang tatang ko kaya bilib na bilib ako sa kanya.

Si nanang naman ay may munting tindahan masasabi kong kahit papaano ay kumikita naman kami. Kahit maingay ang mama ko mahal na mahal ko parin siya.

Mayroon akong tatlong kapatid. Syempre ako ang panganay natigil ako nang pag-aaral nang makatapos ako nang First year College tumigil ako dahil na rin sa layo nang binabyahe. ayuko namang mangupahan doon kasi hindi ko na makakasama ang aking pamilya.

Ang sumunod naman sa akin ay si Cheska siya ay 17 yrs. Old. Ang Pangatlo naman ay si Reymark na edad 15 taong gulang at ang bunso namin na 4 na taong gulang si Layla.

Bago matulog naisip ko nanaman ang sinabi nang lalaki kanina.  Siya rin yong lalaking malinaw ang mata na nakatingin sa akin habang nakasilip ako sa butas. Siguro na bigla siya na malapit lang pala ang bahay ko sa kanila kaya ganoon ang sinabi niya sa akin. Dahil na rin sa pag-iisip hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ