Chapter 11

176 11 1
                                    


REIGN POV

Nasa pamilihan ako upang puntahan ang Bestfriend kong si Luigi matagal tagal ko na rin itong hindi nakakausap kaya naman nang makita niya ako sa pwesto nila nang ate niya ay na bigla pa ito.

"Oh bakit ngayon kalang ha?" sabi ni Luigi na parang nag tatampo pa.

"Pasalamat ka nga pumunta pa ako dito. Patambay lang muna ako wala akong magawa sa bahay." sabi ko dito sabay kuha nang upuan.

"Naku. Pasalamat ka at ako ang naabutan mong nagbabantay dito sa pwesto namin dahil kong hindi. Hindi mo makikita ang napakagwapo kong mukha."

"Nakkadiri ka rin talaga kahit kailan Luigi. Tigil tigilan mo yan dahil baka may makarinig sayo at hindi mapigilang masuka." sabay tawa ko naman na malakas kaya Natawa na rin siya.

Habang tumatawa ay napansin ko naman si Charles na hinihila nang isang babae kaya Napatitig ako dito. Maayos at maganda ang babae halatang magaling pumili nang damit na babagay sa kanya. Natigil lang ang pagsusuri ko sa dalawa nang maramdaman kong may bumatok sa akin.

"ARAY NAMAN!" Inis na Inis ko siyang tiningnan
"Nakatulala ka kasi diyan kanina pa kaya kita tinatawag."
"Kailangan talagang mamatok kupal ka." habang hawak ko ang ulo ko na binatukan niya ay pa simple akong tumingin muli kong saan ko sila nakita kanina pero laking pagkadismaya ko nang wala na ito.

"Oh ayan tutulala ka nanaman" akmang babatukan nanaman niya ako.

"Nah ayuko na mag tigil kana diyan. Balita naman sayong kupal ka bakit lagi kanang busy ngayon ha?" pag iiba ko sa usapan

"Ako pa talaga busy baka ikaw. Nga pala alam mo na ba ang nangyari kagabi?" tanong niya bigla sa akin

"bakit anong meron kagabi?" tanong ko agad

"Naku hindi ka updated. Mayroong dalawang lalaking namatay dito kagabi wakwak ang mga tiyan nila at masasabi Kong hindi pangkaraniwan ang pumatay." sabi nito sa akin

"may sasabihin ako sa iyo. Nakakita ako nang aswang kagabi" Natawa siya sa sinabi ko

"hindi ka ba naniniwala sa akin?" tanong ko na may halong pagkainis

"hihi oo Bestfriend kita pero nababaliw kana ba? Anong aswang ka diyan antagal na natin dito tapos may pa aswang aswang kapang nalalaman diyan. Tinatakot mo lang Ata ako e. " magkaibang magkaiba kasi kami nitong si Luigi. Kilala ako bilang babaeng laging nasasangkot sa gulo samantalang itong kaibigan ko naman ay takot na takot sa gulo dahil ayaw niyang masugatan at magasgasan ang mukha nito.

Binatukan niya ako ulit kaya naman nakipagbatukan na rin ako sa kanya. Natigil lang kami sa pagkukulitan nang makaramdam nanaman ako nang mabibigat na yabang nang paa na nagpabilis sa pagtibok nang puso ko.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now