Chapter 26

122 9 0
                                    


REIGN POV

Tumakbo ako kay tatang upang makasiguradong hindi siya ginalaw nang mga aswang. Lumingon muli ako kay Charles at nakikita kong dehado na ito dahil na rin sa may mga dumating na alagad ang lalaking aswang na kalaban namin.
Pinipilit ko nang gisingin si tatang para makaalis na siya dito. Napansin ko naman ang bag na nailaglag ko kanina bigla kong naalala ang asin na ibinigay ni nanang. Agad agad ko itong kinuha at binalikan si Charles kitang kita ko Kong paano sakalin ng lalaki si Charles habang tumatawa naman ang iba pa nitong alagad.

"bitiwan niyo si Charles" sigaw ko sa kanila. Hindi ko alam kong saan ko hinugot ang lakas nang loob ko. Itinago ko ang asin sa likod ko. Naglagay din ako sa bulsa ko nang asin para kong sakaling matapon ang nakatago sa likod ko ay may reserba pa.

"Matapang ka ah. Ano naman kong ayaw namin siyang pakawalan." sigaw nang isa pa nitong alagad

"Ako kapalit ni Charles. Hayaan niyo na siya isa lang rin siyang aswang. Tao ang gusto niyo diba?" sabay ngiti ko sa kanila.

Nag tawanan naman ang lahat dahil sa sinabi ko. Masyado nilang minamaliit ang mga tao kaya pagbibigyan ko sila sa gusto nilang laban.

" Reign huwag mong gawin to. Papatayin ka nila" sabi ni Charles na hinang hina na.

"pakawalan niyo na ang walang kwentang yan" sabi pa nang lalaki. Agad agad naman nilang binuhat si Charles na parang isang magaan na bagay lang. Nang mabatid kong maayos na ang pwesto ni Charles sa likod ko ay medyo lumayo ako sa kaniya upang hindi siya madamay sa gagawin ko. Nang kaharap ko na ang aswang  na gusto akong patayin agad agad kong sinabuyan ito nang asin na ikinasigaw niya.

"AHHHHHHHHHH ANG INIT" paulit ulit nitong sigaw. Hindi pa ako nakuntento at dinagdagan pa ang Inilagay ko ditong asin na nagpadagdag sa sakit na nararamdaman niya.

"HAHAHAHAHA marami pa akong asin dito" sabay pakita ko sa kanila. Kitang kita na Nagulat at natakot sa ginawa ko kaya nag gawa gawa pa ako nang kwento.
"at nga pala habang binubugbog niyo si Charles ay tumawag na din ako nang mga taong bayan para sugurin kayong mga ASWANG." sabi ko pa dito kahit hindi naman totoo gusto ko lang silang matakot upang lubayan na kami.

Lumapit pa ako nang lumapit habang hawak hawak ang asin na dala ko upang ipakita sa kanila na hindi ako natatakot pero sa loob loob ko ay gusto ko nang magtatakbo.

"At alam niyo ba? Marami silang bawang at asin na dala Hahahaha" sabi ko pa sa kanila.

Nang papalapit na ako sa kanila at handa nang sabuyan sila nang dala dala kong asin saka naman nagsalita ang lalaking satingin ko ay leader nila.

"MAY ARAW KA RIN SA AMIN AT SISIGURADUHIN KONG SA ARAW NA IYON AY MAKAKAPAGHIGANTI AKO AT KAKAININ LAHAT NANG LAMAN LOOB MO" galit na galit na turan nito sabay lipad papaalis sa kinaroroonan namin.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now