Chapter 32

102 7 0
                                    


REIGN POV

" Charles? " naitawag ko nalang sa pangalan niya nang makita ko siyang nasa loob nang kulungan at nakahiga na parang wala nang malay. Nakita ko rin na itinatali ang mga kamay ng ama ni Charles nina Nonong at lando na anak ni Mang Tiklong. Hindi manlang ito nagpumiglas sa ginagawa sa kaniya kahit alam ko namang isang tulak niya lang sa mga ito ay lilipad na ito sa sobrang lakas

"Parang awa niyo na pakawalan niyo ang anak ko. Ako nalang ang patayin niyo. Huwag lamang siya" pagmamakaawa nito kay mang tiklong at sa mga kasama nito.

"HINDI KAMI NAAAWA SA MGA KATULAD NIYONG ASWANG" sabay latigo ni Mang tiklong dito.

" ITIGIL NIYO YAN!!!!" Hindi na ako nakapagtimpi kaya napasigaw nalang ako sa Inis. Napalingon naman ang mga kanina pa nanonood at ang grupo nila mang Tiklong

"bakit ka nangingialam Reign?" Inis na tanong ni Mang Tiklong

" Isa ako sa mga nabiktima nang aswang." sabi ko sa kanila na ikinagulat naman nilang lahat.

" noong araw na iyon at sinundo ko ang tatay ko dahil gabi na ay wala pa siya. Muntikan na kaming lapain nang aswang pero may nagligtas sa amin at alam niyo kong sino? " sabay tanong ko sa kanila. Hindi ko inintay na nag tanong pa sila at sumagot na ako.

"SI CHARLES ANG ASWANG NA KINULONG NIYO DIYAN!! OO INAAMIN KONG ASWANG TALAGA SILA PERO IBA SILA SA INAAKALA NIYO. GANITO BA TALAGA ANG MGA TAO SA BARYO GINAPANG? MGA MAPANGHUSGA!" galit na galit kong turan sa kanila. Nakakalimutan kasi nila ang lahat nang tinulong sa kanila nang pamilya ni Charles dahil lang sa nalaman nilang aswang ito.

" MANG TIKLONG? Nakakalimutan mo ata na ang taong nilatigo mo ay ang taong nagbigay sayo nang pera upang maipagamot ang anak mo na may sakit." sinabi ko dito na halata namang Natauhan. Kalat na Kalat naman sa Baryo namin ang mga pagtulog na ginawa nang pamilya ni Charles sa mga tao dito e.

"LAHAT TAYO AY NATULUNGAN NILA. huwag kayong maghusga. Sa totoo niyan kayang kaya kayong labanan nang ama no Charles pero hindi niya ginawa dahil ayaw niya kayong masaktan." sabi ko sa kanilang lahat. Nakita ko naman si Nilya na nakatingin lang sa akin. Sa isip isip ko matagal na talaga akong naiinis sa babaeng to tapos nadagdagan pa kasi dahil sa kaniya nalaman nang mga tao sa Baryo Ginapang ang totoong pagkatao nang pamilya ni Charles.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now