Chapter 19

131 10 1
                                    


CHARLES POV

Magagabi na ngunit wala pa rin si Leonora kaya nag-aalala na kami ni Ama habang siya ay inaantay.

Lumabas ako nang bahay at ako na mismo ang naghanap sa kapatid ko. Kumuha ako nang gamit ni Leonora upang ito ay amuyin. Sa oras na pamilyar na sa akin ang amoy niya sa pamamagitan nito ay masusundan ko kong nasaan na siya.

Napatigil ako sa Lugar kong saan nakatira ang pinakamamahal kong babae. Dito ko naamoy si Leonora kaya hindi na ako nakapagtimpi at pumasok sa bahay nila. Nakita Kong nagtatawanan sila kasama ang lalaking nasa palengke.

Bakit naririto tong lalaking to? Nililigawan niya ba si Reign. Walang hiya tong lalaking to may-araw din to sa akin. Bulong ko sa sarili ko habang masamang nakatingin sa kanya.

"Kuya Charles?" Nagulat pang tanong ni Leonora

"Oo ako nga. Halika na at umuwi na tayo dahil maggagabi na." Inis kong sabi dito

"Kuya wait lang po" sabi nito sa akin habang hila hila ko siya.

"Sumunod ka nalang sa akin Leonora. Kailan kapa sumuway sa akin ha?" may diin pa sa bawat salitang binitawan ko. Nasa labas kami nang bahay ni Reign habang pinagagalitan ko siya

"Leonora alam mong papagabi na diba? Gusto mo bang mapaano ka dito ha? Mahigpit na ipinagbabawal ni Ama na hindi pwedeng umabot tayo nang gabi sa labas dahil tayo lang rin ang mapapahamak." Inis ko pa ring sabi sa kaniya

Bigla namang lumabas sa pinto sina Reign at ang lalaking kasa kasama nito.

" Hindi po kasalanan ni Leonora ako po ang nagdala sa kanya rito. Humihingi po ako nang pasensya dahil hindi namin namalayan ang oras. Ihahatid ko naman sana siya e." sabi nong lalaking kasa kasama ni Reign

"Simula ngayon layuan mo ang kapatid ko. Ayukong lumapit lapit ka sa kanya." sabay hila ko kay Leonora at mabilis na nag lakad.

Nakarating kami sa bahay na wala kaming imikang dalawa. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nagkatampuhan kami. Pumasok na ako sa kwarto at nahiga naisip ko nanaman ang mga nangyari kanina. Ang lalaking yon ay malapit sa dalawang babaeng minamahal ko at prinoprotektahan atsaka kaano ano ba ni Reign yon.

TOK TOK TOK
"Kuya ako ito si Leonora gusto po sana kitang makausap." sabi nang isang babae sa labas nang aking pintuan. Agad agad akong tumayo upang pagbuksan siya nang pinto.

"Kuya pasensya kana kanina. Ang totoo po niyan ay niligatas ako ni Luigi sa grupo nila Cesar tinambangan po kasi nila ako. Sumama ako sa bahay nila ate Reign nagkwentuhan po kami at nagkatuwaan kaya hindi namin namalayan ang oras. Pasensya na po kuya." sabay yuko nito.

" pinapatawad na kita Leonora. Huwag mo nang uulitin iyon. Kong lalabas ka dito sana hindi kana abutin nang gabi bago umuwi dahil alam mo ang kundisyon natin at nang lahi natin. Nag aalala lang ako sayo mahal Kong kapatid" sabay yakap ko dito.

Ilang minuto lang ay nagpaalam na siya sa akin na babalik sa kaniyang silid at matutulog pero bago pa siya makalabas nang kwarto ko ay may itinanong ako sa kanya.

"Si Luigi ba ay manliligaw ni ate Reign mo?" mahina kong tanong sa kaniya

"Kuya kaya pala nagkakaganyan dahil kay ate Reign" sabay tawa pa nito sa akin na para akong inaasar

"Leonora!" sambit ko sa pangalan niya na may kaunting pagtaas nang boses para hindi niya ako lalong asarin

"Hahaha si kuya hindi mabiro. Nagkakamali kayo kuya. Si Luigi ay matalik na kaibigan lamang ni Ate Reign palagi nga silang nagbabangayan kapag nag kasama katulad kanina kaya Malabo ang sinasabi mo." sigurado pang sagot nito

Nang umalis na siya doon ko hindi naiwasang mapangiti at mapatalon. Gumaan ang pakiramdam ko nang malamang wala akong kaagaw kay Reign. Nahiga na ako sa kama at naglagay nang langis upang hindi ako mag anyong halimaw ngayong gabi pero kapag bilog ang buwan hindi talaga maiwasang magpalit anyo kami. Pagkatapos kong makapaglagay at napikit na ako at masayang natulog.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now