Chapter 37

109 7 0
                                    


CHARLES POV

"UMALIS NA KAYO" sigaw niya habang nakatingin kay Reign na wala pa ring malay.

Agad agad ko namang binuhat si Reign habang papalayo ay kitang kita ko Kong paano mahirapan si Max dahil nasusunog na ang balat nito dahil sa asin. Nahinto ang lahat nang taong nagsasaboy nang asin dito nang dumating si Uncle Menandro akala ko maliligtas siya nito ngunit hindi Inakala ni Uncle na may isang taong sumaksak sa dibdib nang kaniyang anak kaya tuluyan na itong naging abo at naglaho.

Habang nakatingin ako sa mga nangyayari ay naramdaman Kong gumalaw si Reign kaya muli akong Tumakbo papalayo. Gusto ko siyang ilayo sa mga taong muntik na siyang patayin.

Nang makarating kami sa burol. Dahan dahan ko siyang inilapag sa malapad na bato at doon ko nakitang nagkamalay na siya.

"Charles?" mahinang buong nito sa akin.

"Sssh. Huwag kanang magsalita Reign. Please ipahinga mo ang sarili mo." umiiyak na sabi ko sa kaniya. Kitang kita ko ang mga sugat at mga dugong nagkalat sa katawan niya.

"hin-di ko na ka-ya Charles. Hang-gang di-to na-lang a-ko ma-hal ko." hinang hina nang sabi nito.

Ayuko mang gawin ang isang bagay na alam kong makakapanakit sa akin ng sobra pero kailangan dahil gusto kong mabuhay ang mahal ko. Kinuha ko ang ibibigay nang kaniyang ama. Tinitigan ko itong mabuti. Alam ko na kong ano ito. Ito ang tubig nang buhay ng mga katulad naming aswang minsan lang lumitaw ang ilog na pinagkukunan ng tubig kaya masasabing napakaswerte mo kapag nagkaroon ka nito. Pero para sa akin ay hindi dahil kapag ininom mo ito ng isang aswang siguradong gagaling ka ngunit magiging tao ka at mawawala ang lahat nang alala mo.

"Reign? Hindi totoo yan. Mabubuhay kapa." inumang ko sa kaniya ang tubig ng buhay at hindi naman siyang tumanggi sa pag inom nito. Minabuti ko na ring hindi sabihin kong para saan ang tubig na iyon dahil alam kong tutotol siya sa gagawin ko.

"Maaari kanang pumikit mahal Kong Reign. Sa muling paggising mo isang pag-asa ang mamumutawi kahit makalimutan man ako ng isip mo. Alam Kong hindi makakalimot ang puso mo. Mahal na mahal kita Reign." sabay halik ko sa kaniyang labi kasabay noon ang pagpikit niya. Muli ko siyang binuhat at dinala sa bahay ni Mang Lito at Aling Carlita sila ay mga tao pero alam nilang isa akong aswang. Pinagkakatiwalaan ko sila dahil na rin sa pinakita nila sa aking kabutihan. Nagkakilala kami dahil niligtas ko sila sa mga alagad ni Uncle Menandro na gusto silang kainin.

TOK TOK TOK!!

"Hijo? Anong nangyari? Sino ang babaeng kasama mo?" sunod sunod na tanong ni Aling Carlita.

"Siya po si Reign ang aking kasintahan. Gusto ko po sanang humingi ng pabor sa inyong dalawang mag-asawa." sabi ko sa kanila na tinanggal ang lahat ng hiya dahil kinakailangan kong iligtas si Reign

"Maaari niyo po ba siyang kupkupin bilang anak niyo? Huwag niyo po sanang sabihin sa kaniya na isa siyang aswang ayuko lang pong mapahamak pa siyang muli." nakayuko kong sabi dito

"Desidido kana ba sa desisyon mo?" nag aalangang tanong ni Aling Carlita sa akin.

Tumango nalang ako at agad nang umalis dahil ito lang ang paraan ko upang hindi na bawiin ang aking desisyon para sa kaligtasan nang babaeng mahal ko na si Reign.

END OF FLASHBACKS

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now