Chapter 7

230 11 1
                                    


CHARLES POV

pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ko kong saan iniwan ko si Reign ay pumunta ako sa nakababata kong kapatid na si Leonora.

"Leonora?" tawag ko pa dito habang nakatingin sa mga kamang-anak namin na sinisimulan nang magsalo salo sa pagkain.

"Oh kuya bakit naririto ka? Bakit mo siya iniwanan alam mong mapanganib sa kanya ang mapunta dito diba?" may pag-aalalang sabi nito

"Kapatid huwag ka masyadong mabahala inilock at nilagyan ko nang kapangyarihan ko ang pinto nang kwarto walang makakalabas at makakapasok maliban sa akin." mahabang paliwanag ko na ikinangiti naman niya.

"Paano mo nakita si Reign kanina?" tanong ko dito.

"may naamoy ako kanina sobrang bango nito kaya sinundan ko. Akala ko may naligaw na tao dito sa Lugar natin kaya naman agad agad ko siyang nilapitan Ngunit pagkaharap na pagkaharap niya ay si Ate Reign ang nakita ko. Kuya bakit ganon. Hindi niya ako maalala hindi niya tayo maalala at higit sa lahat bakit isa siyang tao?? " umiiyak na nitong tanong.

" Leonora huwag kang umiyak. Babalik rin ang ate Reign mo sa tamang panahon. Sa ngayon hindi pa maaari dahil hindi pa natin nakikita ang anak ni Mastan alam kong ipaghihiganti niya ang pagkamatay nang kaniyang ama. " sabay alo ko dito para tumigil na ito sa kakaiyak. Matapos ang pag uusap naming dalawa ay pumunta na ako sa bahay ng mga tumatayong magulang ni Reign.

" Magandang Gabi po sa inyo" pagbati ko sa kanila

"Magandang Gabi din sa iyo master" sabi sa akin ni Mang Lito ang tumatayong ama ni Reign

"Huwag muna po akong tawaging master Charles nalang po. Gusto ko lang pong ipaalam na si Reign ay tutuloy muna sa akin ngayong gabi kaya hindi ito makakauwi ngayon." sabi ko pa dito

"Charles hindi ba mapapahamak si Reign sa inyong Lugar? Hindi ko naman sinasabing hindi siya maliligtas dito pero kasi naroon ang taong gustong patayin siya? At isa nang tao si Reign ngayon." pag aalalang tanong ni Carlita sa akin ang tumatayong nanay ni Reign.

Nakita ko pang siniko siya ni Mang Lito dahil siguro sa dire-diretsong pasabi nito sa akin nang totoo.

" Carlita huwag kang mag-alala ipinapangako kong magiging ligtas si Reign sa poder ko ngayong gabi. Aalis na rin ako dahil masyado na akong matagal na naririto. Maraming salamat sa pagkupkop niyo kay Reign sana hindi kayo magsawang alagaan siya." sabay yuko ko pa dito na nagpapakita nang paggalang.

Malapit nang mag alas dose nang gabi kaya bumalik na ako sa aking kwarto upang tingnan si Reign. Ngayon ko nalang siya napagmasdan sa kaniyang pagtulog tila miss na miss ko na ito.

Tumayo na ako nang maramdaman kong malapit na akong mag bagong anyo. Ramdam na ramdam ko ang sakit na gustong kumawala sa aking pagkatao. Tumakbo ako sa isa pang kwarto dito sa loob nang kwarto ko dahil dito nakatayo ang isang kulungan na kong saan hindi ako makakapanira nang mga bagay at dito ilabas ang aking tunay na pagkatao.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay naghubad ako agad nang damit dahil kong hindi ko gagawin yon ay mawawasak lamang ito. Naririnig ko na ang kumakawalang ungol sa aking mga kamag-anak maski ako ay hindi na rin mapigilan ang aking pag ungol.

"AHHHHHHHHHHH"

"AHHHHHHHHHHH"

"RAWRRRRRRRR"

"RAWRRRRRRRRRRR"

Nabigla pa ako nang pumasok sa loob si Reign doon ko naalala na dahil sa pagmamadali at nakalimutan kong isara ang pinto. Dahil na rin sa medyo malapit siya sa akin ay amoy na amoy ko ang amoy niya bilang tao. Sobra ang pagpipigil ko na kumawala sa kulungan na ito. Pinapaalis ko siya pero hindi ito umaalis nakatulala lang ito sa akin. Nalungkot pa ako nang sabihin niya ako ay isang

"ASWANG"

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now