CHAPTER 24

116 9 0
                                    


CHARLES POV

Ipinagbuksan ako ni Leonora nang pinto.

"Leonora saan ka nang galing kanina? Bakit nawala ka sa pamilihan" seryosong tanong ko dito

"Ah eh kuya pasensya na po" naiiyak na saad nito. Niyakap ko naman siya dahil kahit hindi niya sabihin alam kong nasasaktan siya ngayon.

"hindi mo na kailangan pang magtago sa akin Leonora. Alam Kong kasama mo siya kanina. Tatanggapin ko na umibig ka sa isang tao pero sana alam mo ang limitasyon mo. Ayukong nasasaktan ang mahal Kong kapatid." umiyak na siya nang tuluyan. Ramdam na ramdam ko ang lungkot na bumabalot sa kaniyang puso.

Lumabas na ako nang kwarto niya at binilinang huwag mag isip nang kong ano ano na makakadulot sa kaniya nang pagkalungkot.

Kumatok naman ako sa pinto ni Ama upang ipaalam sa kaniya ang nangyaring pag patay kaninang umaga.

"Ama isang tagabaryo nanaman po ang pinatay kanina. Alam Kong aswang ito dahil wakwak ang tiyan ni Mang Isko at wala na itong puso."

"Naghahasik nanaman nang lagim ang Uncle Menandro mo. Labis ang poot at galit sa kaniyang puso at pinaghihigantihan niya ang mga tao." sabi nito

"Anong gagawin natin ama? Kailangan matigil ang patayang mga nangyayari." sabi ko sa kaniya

"Wala pa tayong magagawa anak. Hindi pa natin pwedeng kalabanin ang grupo ni Menandro kamag-anak parin natin sila at kalahi nating mga aswang" sabi nang aking ama. Naiintidihan ko ang kaniyang tinuran. Kahit noon pa man kapag nagkakaroon na nang sunod sunod na Patayan sa dati naming tirahan ay hindi namin pinakialamanan si Uncle Menandro dahil kataksilan ang makipaglaban sa kapwa mo aswang.

Umalis na ako sa kwarto ni Ama at tutungo sa labas upang tumulong sa susunod na bibiktimahin nang aking uncle. Alam Kong paglabag ito sa utos nang aking ama pero wala na akong magagawa dahil gusto kong makatulong sa mga tao dito sa Baryo.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon